NATIONAL Thyroid Cancer Awareness Week ang ikaapat na linggo ng Setyembre at layon nitong ipalaganap ang kaalaman tungkol sa thyroid cancer para makaiwas at maagapan ang publiko sa nasabing karamdaman.
Ang thyroid cancer ay nagsisimula sa mga cell ng thyroid, ang mala-paru-paro na gland na matatagpuan sa ating leeg. Hindi agad napapansin ang mga senyales o sintomas ng thyroid cancer sa simula subalit kapag ito ay lumalala na doon mo ito mararamdaman nang tuluyan.
Narito ang ilang sintomas ng thyroid cancer na dapat mong malaman:
– bukol sa leeg na mabilis lumaki
– pagbabago sa boses kabilang na ang pamamaos
– sakit sa leeg at lalamunan
– namamagang leeg
– hirap sa paghinga
– hirap sa paglunok
– madalas na pag-uubo na hindi hatid ng sipon
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.