LTO nais maghigpit sa pagkuha ng driver’s license

LTO nais maghigpit sa pagkuha ng driver’s license, mga sangkot sa ‘road rage’ papatawan na ng mabigat na parusa?

Pauline del Rosario - September 15, 2023 - 12:35 PM

Balita featured image

PLANO ng Land Transportation Office (LTO) na isailalim sa “profiling” ang mga nais kumuha ng driver’s license.

Ito raw ay upang alamin kung nagmamay-ari sila ng mga baril.

Kasabay niyan ay hinihimok din ng ahensya ang Kongreso na patawan ng mas mabigat na parusa ang mga sangkot sa “road rage” o ‘yung mga motorista na may bayolenteng reaksyon kagaya ng pagmumura, pananakit at kung minsan ay nauuwi sa patayan.

Ayon kay LTO chief Vigor Mendoza II, kasalukuyan na nilang pinag-aaralan kung paano nila ico-coordinate ang kanilang plano sa Philippine National Police (PNP), Highway Patrol Group (HPG) at iba pang concerned government agencies.

Kamakailan lang kasi, kapansin-pansin na ang pagtaas ng mga kaso ng road rage incidents na nagiging viral pa sa social media.

Baka Bet Mo: LIST: Mga kalsadang isasara sa Metro Manila dahil sa 2023 Bar examinations

Dahil diyan, sinabi ng LTO chief na nais niyang matukoy ang nagiging batayan ng PNP sa pag-iisyu ng mga “permit to own” at “possess firearms” bilang bahagi na rin ng plano ng LTO na i-profile ang mga kukuha ng driver’s license.

“Nakikipag-ugnayan kami sa HPG para ‘yung aming datos at datos nila mapagsama namin so we can get a profiling ba,” sey ni mendoza sa ilang reporters.

Paliwanag niya, “Gusto ko nga ma-profile para sa ganun sa pagbibigay ng lisensya pwede namin incorporate sa requirements kasi yung pinaka grabe dito ‘yung may firearms.”

Dagdag pa rito, iginiit ni Mendoza na ang parusa para sa mga suspek sa road rage ay “prohibitive.”

Ipinunto pa niya na hindi ito maaaring mas mataas sa apat na taong pagkakasuspinde o pagbawi ng lisensya.

“That four years would be merong death or injury eh kung walang death or injury pero sobra sobra naman yung road rage niya [dapat] may special law siya, yung penalty niya would not be just a simple violation of  [Republic Act] 4136 reckless driving,” paliwanag ni Mendoza.

Aniya pa, “Specific penalty talaga we file it and penalize road rage [suspects].”

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aicelle ayaw kumuha ng yaya para sa anak: Gusto kong maranasan yung maging nanay talaga

Pinoy fashion model-host na si Chris Wycoco nakamit na ang ‘American Dream’, nais makatulong sa mga kapwa Filipino sa US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending