Mga kalsadang isasara sa NCR dahil sa 2023 Bar examinations

LIST: Mga kalsadang isasara sa Metro Manila dahil sa 2023 Bar examinations

Pauline del Rosario - September 14, 2023 - 10:51 AM

LIST: Mga kalsadang isasara sa Metro Manila dahil sa 2023 Bar examinations

INQUIRER file photo

ABISO sa mga motorista!

Bilang season nanaman ng Bar examinations, ilang kalsada ang pansamantalang isasara sa ilang bahagi ng Metro Manila.

Ito ay bilang daan para sa magaganap na 2023 Bar examination sa September 17, 20 at 24.

Narito ang mga listahan ng lokasyon kung saan pinayuhan ng mga lokal na pamahalaan ang matinding trapiko o pagsasara ng mga daanan para sa mga araw ng mga pagsusulit:

Baka Bet Mo: Driver’s license holders ‘di na sasailalim sa ‘periodic medical exam’ –LTO

Quezon City

Testing center: University of the Philippines-Diliman

Asahan ang matinding trapiko sa mga nabanggit na examination days simula 3:30 a.m. hanggang 9:00 a.m. at 3:30 a.m. hanggang 7:00 p.m.

Ito ay para sa mga kalsada ng University Avenue, C.P. Garcia Avenue, Katipunan Avenue, Commonwealth Avenue.

Dahil diyan, pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.

Manila

Testing centers: University of Santo Tomas, San Beda University

Ang mga susunod na kalsada ay isasara mula 3:30 a.m. hanggang 9:00 a.m. at 3:30 a.m. hanggang 7:00 p.m.:

  • Dapitan Street (from Lacson Avenue to Padre Noval Street)
  • España Blvd. Westbound (two lanes, from Lacson Avenue to Padre Noval Street)

Sarado rin ang mga sumusunod simula 2:00 a.m. hanggang 7:00 p.m.:

  • Legarda Street Eastbound (two lanes, from San Rafael St. to Mendiola Street)
  • Mendiola Street (both lanes, from Peace Arch to Malacañang Gate)
  • Concepcion Aguila Street (both lanes, from Mendiola St. to Jose Laurel Street)

 

Inaasahan ang matinding trapiko sa magkabilang linya ng mga nabanggit na lugar.

Muntinlupa City

Testing Center: San Beda College- Alabang

Tanging ang Don Manolo Street lamang ang passable sa mga residente ng Alabang Hills Village, Bar examinees, at ilan pang awtorisadong personnel.

Bago makapasok sa Alabang Hills Village, kailangang magpakita ng identification card (ID), residence certificate, or any identifying document.

Ang food deliveries para sa mga residente ng Alabang Hills Village ay papayagan lamang na makapasok mula 8:00a.m., o kapaga ang mga examinees ay pumasok na sa testing center sa mga araw ng pagsusulit.

Limitado lamang sa limang trycicle drivers ang may permisong magsagawa ng kanilang regular routes sa examination days.

Samantala, wala pang anunsyo sa traffic adjustment ang government units ng Pasay at Taguig City para sa designated testing sites ng Manila Adventist College at University of the Philippines – Bonifacio Global City.

Bukod sa testing centers sa Metro Manila, itinalaga rin ng Korte Suprema ang mga sumusunod na testing centers para sa kabuuang 14 na testing centers sa buong bansa:

Luzon

  • Saint Louis University
  • Cagayan State University
  • University of Nueva Caceres

Visayas

  • University of San Jose – Recoletos
  • University of San Carlos
  • Dr. V. Orestes Romualdez Educational Foundation

Mindanao

  • Ateneo de Davao University
  • Xavier University

 

Para sa taong ito, anim na subjects ang ico-cover, kabilang na riyan ang political and public international law; commercial and taxation law, civil law, labor law and social legislation, criminal law and remedial law; at legal and judicial ethics with practical exercises.

Related Chika:

Ivana game pumasok sa PBB: Lahat gagawin ko as a housemate, ayaw kong may special treatment

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tippy Dos Santos pasado sa 2022 Bar exams, ganap nang abogado

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending