Ivana game pumasok sa PBB: Lahat gagawin ko as a housemate, ayaw kong may special treatment | Bandera

Ivana game pumasok sa PBB: Lahat gagawin ko as a housemate, ayaw kong may special treatment

Reggee Bonoan |October 14,2021
facebook
share this

Ivana game pumasok sa PBB: Lahat gagawin ko as a housemate, ayaw kong may special treatment

Reggee Bonoan - October 14, 2021 - 01:44 PM

Ivana Alawi

GUSTUNG-GUSTONG mag-artista ni Ivana Alawi kaya lahat ng auditions ay sinalihan niya kabilang ang “Pinoy Big Brother” ng ABS-CBN.

Naaalala pa niya nang pumila siya simula 4 a.m. at natapos siya ng  4 a.m. din kinabukasan — ibig sabihin 24 oras siyang nakapila pero hindi pinalad na makapasa.

Isa lang ito sa mga binalikan ng sexy actress sa napakaraming rejectionz na inabot niya bago  napasama sa teleseryeng “Mea Culpa: Sino Ang May Sala” taong 2019. Pero nauna na rito ang guesting niya sa “FPJ’s Ang Probinsyano” bilang girlfriend ng nasirang Eddie Garcia.

At dahil sa kawalan ng ginagawa noong unang taon ng lockdown last year dulot ng COVID-19 ay sinimulan ni Ivana ang mag-vlog na naging matagumpay naman dahil sa kasalukuyan ay nasa 14.2 million na ang subscribers niya at milyones ang views sa bawa’t vlog nito.

Ivana Alawi, Marco Gumabao magdyowa na nga ba?

Kaya naman tinanong siya ng kapwa niya vlogger na si Ogie Diaz kung sakaling makatanggap siya ng imbitasyon mula kay Big Brother para maging celebrity housemate sa “PBB” ay tatanggapin ba niya o magba-vlog na lang siya sa labas ng Bahay ni Kuya.

“Pipiliin kong mag-vlog sa loob,” masayang sabi ni Ivana. “(Sabay muwestra na may hawak na camera) Hi guys! Gusto kong mag-vlog sa loob ng Bahay ni Kuya.”

Sabi ni Ogie, “Sabi ni Kuya, ‘wag kang mag-vlog gusto ka namin nandoon ka (loob).”

“Okay lang,” sambit ng dalaga.

“Kasi gusto ni Kuya doon ka lalo na nu’ng pumila ka at na-reject ka.  Ngayon kunwari handpicked ka na,” paliwanag ni Ogie.

“Ay wala ng pila? Ay walang audition? Feeling ko papayag ako kasi I love meeting new people.  Saka gusto ko may task ako kasi lahat ng task ko sa bahay nagagawa ko na, eh. Si Big Mother (mommy niya) hindi naman ako” biting sabi ng dalaga. 

Balik-tanong ng talent manager-vlogger, “So willing ka? Despite na alam mo na lahat ng kilos (nakikita sa camera).”

“Oo, ‘yun nga ‘yung masaya, eh.  Para lalo nga nila makita na ‘ay kung ano siya sa vlog, ‘yun din siya,” nakangiting sagot ni Ivana.

Ano ang magiging reaksyon niya kapag nakita ng kapwa housemate na nandoon siya at magugulat na kasama siya.

“Ha-hahaha! Pantay-pantay kami, ‘wag kang gumanyan (sasabihin sa kapwa housemates). Lahat gagawin ko as a normal housemate ayaw kong may special treatment, ang daya no’n,” paliwanag ng dalaga.
Sabay paalala ni Ogie, “Hayan na ha, Big Brother?”

“Kuya?” sabi kaagad ni Ivana.

Samantala, pangarap ni Ivana na makasama sa teleserye ang crush at kapalitan niya ngayon ng mensahe na si Joshua Garcia.

“Gusto ko ring makatrabaho si Liza Soberano kasi girl crush ko ‘yun!” diretsong sabi nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At napahiyaw naman siya nu’ng sabihin din ng manager ni Liza na gusto rin ng aktres si Ivana, “Puwede kayong mag-collab, sabihin ko sa kanya (Liza) gusto mo ba?” sambit ni Ogie.

“Oo naman, ang ganda niya, masyado siyang perfect! Ha-hahaha!” masayang sagot ng dalaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending