Driver’s license holders ‘di na sasailalim sa ‘periodic medical exam’ –LTO | Bandera

Driver’s license holders ‘di na sasailalim sa ‘periodic medical exam’ –LTO

Pauline del Rosario - April 17, 2023 - 03:02 PM

Driver’s license holders ‘di na sasailalim sa ‘periodic medical exam’ –LTO

INQUIRER file photo/NIÑO JESUS ORBETA

MAGANDANG balita sa mga kababayan nating may driver’s license!

Inanunsyo ng  Land Transportation Office (LTO) na hindi niyo na kailangang sumailalim sa tinatawag na “periodic medical examination (PME).”

Ibig sabihin niyan, ang mga driver’s license na may validity na five to ten years ay hindi na required magkaroon ng regular medical examinations.

Ayon sa inilabas na pahayag ng LTO, ito ay alinsunod sa inamyendahang Memorandum Circular 2021-2285 o ang “Supplemental Implementing Rules and Regulations” of Republic Act 10930.

Ayon kay LTO chief Jay Art Tugade na angkop lamang na tanggalin ang PME requirement dahil base sa iba’t ibang mga pag-aaral, data na nakuha, at konsultasyon na isinagawa ng ahensya ay nagpapakita na hindi kasama sa mga dahilan ng mga aksidente sa kalsada ang hindi pagsunod dito.

“There’s no empirical data saying that the periodic medical examination could prevent road crashes,” sey ni Tugade.

Baka Bet Mo: Pagpapatupad ng price cap sa driving schools tuloy na tuloy na sa April 15 –LTO

Sa ilalim ng nabanggit na kautusan, ang mandatory medical examination ay magiging required lamang bago mag-apply ng bagong lisensya, at pagpapa-renew ng driver’s license.

“For licensees who will be issued a 5-year validity driver’s license and 10-year validity driver’s license, the medical examination shall only be required sixty (60) days prior to or on the specified renewal date,” saad sa memorandum.

Ayon pa kay Tudage, “Kami sa LTO ay naniniwala na ang hakbang na ito ay magdudulot ng bahagyang ginhawa sa publiko dahil bukod sa hindi na sila kailangang gumastos ng paulit-ulit para sa medical examinations, maiiwasan din ang dagdag-abala lalo na sa mga mahahalaga ang oras para sa trabaho.”

Dagdag pa niya, “Nasa pagkukusa na lang ngayon ng bawat indibidwal kung nanaisin nilang sumalang sa medical examination.”

Related Chika:

Tippy Dos Santos pasado sa 2022 Bar exams, ganap nang abogado

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dimples Romana super proud nanay, ibinandera ang pagpasa ng anak sa commercial pilot license exams sa Australia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending