E-trikes ‘bawal’ nang dumaan sa national roads ng San Fernando, Pampanga
BAWAL nang dumaan sa national roads at pangunahing kalsada ng San Fernando, Pampanga ang mga mababagal na electric motorcycle o e-trikes, pati na rin tricycles.
Alinsunod ‘yan sa alituntunin ng Land Transportation Office (LTO) na ipinatutupad na ngayon ng nasabing lokal na pamahalaan.
Nakapaloob din sa guidelines na kailangang irehistro ang e-trike kung ang takbo nito ay may bilis na 26 at 50 kilometers per hour (kph).
Maliban diyan, dapat ding may valid driver’s license ang mga nagmamaneho ng nasabing e-trikes.
Sa ngayon, nasa first phase pa lang ng implementasyon ang nasabing protocol kung saan nagsasagawa ng information campaign ang City Public Order and Safety Coordinating Office (CPOSCO) personal ng San Fernando.
Ang next stage nito ay pagmumultahin na ang mga lalabag sa kautusan – P1,000 na multa para sa dadaan sa restricted roads, P3,000 sa mga walang lisensya, at P10,000 fine para sa mga hindi nakarehistro ang electric vehicles.
Base sa LTO guidelines, ang tinatawag nilang “slower electric vehicles” katulad ng personal mobility at kick scooter ay pwede lamang dumaan sa pribadong kalsada, katulad ng walkways at bicycle lanes.
Ang mga gumagamit ng nasabing e-scooters ay hindi na kailangan ng driver’s license at vehicle registration.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.