Aguman Sanduk Festival kakaibang tradisyon ng Pampanga

Aguman Sanduk Festival kakaibang tradisyon ng Pampanga tuwing Bagong Taon

Pauline del Rosario - January 12, 2025 - 04:45 PM

Aguman Sanduk Festival kakaibang tradisyon ng Pampanga tuwing Bagong Taon

PHOTO: Courtesy of Gerald Gloton

Ang bawat Bagong Taon ay hindi lang basta simula ng panibagong kabanata para sa bayan ng Minalin.

Dahil ito rin ang panahon ng isa sa pinakamasayang selebrasyon sa buong Pampanga –ang Aguman Sanduk Festival!

Para sa taong ito, nagsasama-sama ang 15 barangay ng Minalin upang ipakita ang kanilang talento at creativity.

Ang twist? Ang mga kalalakihan ay nakasuot ng magagarbong pambabaeng damit!

Isa itong tradisyon na puno ng saya, tawanan, at kakaibang kasiyahan na umabot na sa halos isang siglo, ayon sa Facebook post ng visual storyteller na si Gerald Gloton.

Baka Bet Mo: #SerbisyoBandera: PET Bottle collection bidang-bida sa MassKara Festival

“Preparations begin right after Christmas, culminating in a grand parade at the Minalin plaza, where dazzling floats and lively performances highlight the day,” caption niya.

Kwento pa niya, “The Aguman Sanduk or ‘fellowship of the ladle’ is a testament to Minalin’s rich culture, spreading joy and fostering togetherness year after year.”

Tuwing January 1, buhay na buhay ang bayan ng Minalin sa Pampanga dahil sa kakaibang tradisyon na tinatawag na Aguman Sanduk, na ang ibig sabihin ay “Fellowship of the Ladle.”

Dito, ang mga kalalakihan—mula sa mga magsasaka at mangingisda hanggang sa mga negosyante at opisyal—ay nagbibihis-babae at rumarampa sa kalsada.

Nakasuot sila ng mga wig, damit, at makeup na madalas hiram pa sa kanilang mga misis o kapatid.

Ayon kay Robby Tantingco ng Holy Angel University Center for Kapampangan Studies, nagsimula ang nasabing event noong 1931 sa paniniwala na kung ano ang ginagawa sa unang araw ng taon ay magdadala ng swerte.

Hindi lang basta katuwaan, ang Aguman Sanduk ay nagsisilbing hamon sa mga stereotype tungkol sa kasarian at nagpapakita ng pagkilala sa Kapampangan women.

“By reversing roles, Aguman Sanduk honors the Kapampangan woman, celebrated for her resilience, resourcefulness, and ability to juggle multiple responsibilities,” paliwanag ni Robby.

Ani pa, “The event challenges taboos around gender and identity…It is a playful rebellion against homophobia and discrimination, wrapped in the guise of tradition.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Patuloy na namamayagpag ang tradisyong ito dahil sa taglay nitong kasiyahan at pagkakaisa.

Sa Aguman Sanduk, ipinagdiriwang ng Minalin hindi lang ang Bagong Taon, kundi ang diwa ng pagiging masayahin, matatag, at mapagmahal sa sariling kultura.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending