MMDA muling nanawagan sa NCR LGUs: Magtalaga ng fireworks display zones

MMDA muling nanawagan sa NCR LGUs: Magtalaga ng fireworks display zones

Pauline del Rosario - December 29, 2023 - 05:31 PM

Balita featured image

MULING nananwagan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa local government units (LGUs) sa Metro Manila ngayong malapit na ang pagdiriwang ng Bagong Taon.

Ang nais ng ahensya, magkaroon ng designated fireworks display zones sa oras ng putukan.

Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, ito ay para mas maging ligtas ang naturang holiday celebration.

“Setting up a common fireworks display zone can prevent or lessen fireworks-related injuries. Open spaces or common areas can be designated as fireworks display zones,” sey ni Atty. Artes sa isang pahayag.

Baka Bet Mo: 10 entry sa MMFF 2023 ipalalabas din sa Hollywood, magkakaroon ng sariling awards night at red carpet

Sa isang pagpupulong recently, napag-usap nina Artes at ng mga alkalde ng Metro Manila ang MMDA Resolution 22-22 Series of 2022, kung saan hinihimok ang LGUs na maglagay ng firework display zone kaugnay ng Republic Act No. 7183 na kinokontrol ang pagbebenta, paggawa, pamamahagi, at paggamit ng mga paputok at iba pang pyrotechnic device.

“It is a tradition to use firecrackers and other pyrotechnic devices during the holiday season,” saad sa bahagi ng resolusyon.

Ani pa, “There is undeniably a significant number of firecracker-related injuries, casualties, and accidental fires recorded every year in Metro Manila related to the indiscriminate and unregulated use of firecrackers and other pyrotechnic devices.”

Hinimok din ng Department of Health (DOH) ang Metro Manila LGUs na i-promote ang “Ligtas Christmas sa Healthy Pilipinas” – ang Healthy Handaan, Healthy Celebration at Iwas Paputok.

Samantala, pinaalalahanan ni Artes ang publiko na itapon nang maayos ang mga basura, partikular na ang mga used at unused na paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending