Bakit nga ba sina Vice, Anne, Vhong at Jhong lang ang um-attend sa GMA Gala 2023, anyare kina Karylle, Ryan Bang at Tyang Amy? | Bandera

Bakit nga ba sina Vice, Anne, Vhong at Jhong lang ang um-attend sa GMA Gala 2023, anyare kina Karylle, Ryan Bang at Tyang Amy?

Ervin Santiago - July 26, 2023 - 07:38 AM

Bakit nga ba sina Vice, Anne, Vhong at Jhong lang ang um-attend sa GMA Gala 2023, bakit wala sina Karylle, Ryan Bang at Tyang Amy?

Vhong Navarro, Vice Ganda, Anne Curtis at Jhong Hilario

MARAMI ang nagtatanong kung bakit apat lang sa mga host ng “It’s Showtime” ang rumampa sa GMA Gala Night 2023 noong Sabado ng gabi.

Ang “Magic 4” na yan ay ang Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda, ang Ultimate Dyosa na si Anne Curtis at ang mga komedyante at dancer na sina Vhong Navarro at Jhong Hilario.

Sa Monday episode ng nasabing Kapamilya noontime show na napapanood na run sa GTV Channel na pag-aari ng GMA 7, nagpasalamat ang sina Vice na naging bahagi sila ng GMA Gala ngayong taon.

“Maraming-maraming salamat po sa GMA for inviting us doon sa GMA Gala. We had so much fun. Masaya ‘yung Gala to be fair. Nakakatuwa,” ang bahagi ng pahayag ni Vice.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Oo, masaya mag-connect, make new friends. Tapos magkita-kita ulit tayo ng mga na-miss natin,” chika naman ni Anne sa madlang pipol.

Hirit ni Vhong, “Iba rin ‘yung afterparty. Bumata tayong lahat.”

“Yes we have new Gen Z friends. ‘Yung mga anak ng mga kaibigan niyo ‘yun na ang mga kabarkada natin ngayon,” pagsang-ayon sa kanya ni Vice.

Sabi pa ng Unkabogable Star, sana raw next time ay makasama na sa GMA Gala ang buong “Showtime”, “Sa next ball dapat kumpleto na tayo talaga, ‘yung buong ‘Showtime’ family ay kailangan nandodoon na.”

Paglilinaw naman ni Jhong kung bakit silang apat lang ang um-attend mula sa “Showtime”, “Invited naman lahat kaya lang siyempre ‘yung iba ay may schedule.”

Baka Bet Mo: Bwelta ni Alice Dixson sa mga nang-okray sa kanyang GMA Gala Night yellow gown: Ang tao nga naman…

Hindi namataan sa event sina Amy Perez, Ryan Bang at Karylle. Ayon sa isa nating source, main hosts lang daw talaga ng show ang inimitable ng GMA.

Ang iba pang taga-ABS-CBN na nasa event ng GMA ay si Joshua Garcia, ABS-CBN executives Carlo Katigbak, Cory Vidanes, at Deo Endrinal.

Nauna rito, nag-tweet si Vice after ng GMA Gala 2023 at ibinandera ang limang hindi niya malilimutang eksena habang nakikisaya at nakiki-bonding sa mga Kapuso stars.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ang unang-unang best moment daw niya ay ang muling pagkikita nila ng dating Kapamilya star na si Bea Alonzo, kasama ang fiancé nitong si Dominic Roque.

Ikalawa ay ang pakikipagkulitan at pakikipagchikahan niya sa ilang Kapuso GenZ stars kabilang na riyan sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi.

Ang ikatlo raw na best moment niya ay ang makita up close and personal ang idol niyang si Michael V na kamakailan ay nagsabing isa sa mga pangarap niyang mai-guest sa gag show nilang “Bubble Gang” ay ang Unkabogable Star.

Ikaapat na moment na hindi niya makakalimutan ay ang nang makaharap niya ang Kapuso TV host na si Lyn Ching. Doon lang daw nila nalaman na magkapitbahay pala sila.

And lastly, ang ikalima ay nang malaman niyang nagkaayos na raw ang mga kaibigan niyang content creator na sina Zeinab Harake at Toni Fowler na invited din daw sa event.

Lolit Solis nag-react sa pagdalo ng Kapamilya stars sa GMA Gala 2023: ‘Parang big deal na sa lahat’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jhong Hilario sinorpresa ang mga kaibigan sa pagbabalik sa ‘It’s Showtime’, Vice Ganda napaiyak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending