Jhong Hilario sinorpresa ang mga kaibigan sa pagbabalik sa 'It's Showtime', Vice Ganda napaiyak | Bandera

Jhong Hilario sinorpresa ang mga kaibigan sa pagbabalik sa ‘It’s Showtime’, Vice Ganda napaiyak

Therese Arceo |June 04,2022
facebook
share this

Jhong Hilario sinorpresa ang mga kaibigan sa pagbabalik sa ‘It’s Showtime’, Vice Ganda napaiyak

Therese Arceo - June 04, 2022 - 06:48 PM

Jhong Hilario sinorpresa ang mga kaibigan sa pagbabalik sa 'It's Showtime', Vice Ganda napaiyak

LABIS ang pagkabigla ng buong “It’s Showtime” hosts nang makita nilang muli ang kanilang kaibigan na si Jhong Hilario.

Nagpanggap bilang si Friedrich Palacol ang nag-iisang Sample King ng habang kasabay na umaawit ang dalawang contestant ng naturang segment.

Tila walang kamalay-malay ang buong Showtime family na ang kanilang pinapanood ay ang matagal na pala nilang hinihiritan na bumalik sa show na si Jhong.

Hindi na rin naiwasan ng Sample King ang maiyak habang kumakanta ng “Kahit Maputi na ang Buhok Ko” at doon lang halos napagtanto ng kanyang mga kapatid sa show na si Jhong na pala talaga ang kanilang kaharap.

Napa-OMG naman sila Anne Curtis, Kim Chiu, Ryan Bang, at Vhong Navarro samantalang napaiyak naman si Unkabogable Star Vice Ganda.

“I’m so surprised. Pinoproseso ko lang yung nararamdaman ko,” saad ni Vice na tila naging tahimik habang masayang nagkukulitan ang lahat sa pagbabalik ni Jhong.

Bigla namang tumugtog ang kantang “That’s What Friends Are For” na aminado siyang iniiwasan niyang marinig.

“I used to avoid hearing that song. Hindi ko alam na I would love to hear that song again. Ayoko nang naririnig ang kantang yan because I used to love that song so much hanggang sa ayoko na kasi may mga… pero ngayon lang ang sarap pala siyang marinig pala ulit.

 

View this post on Instagram

A post shared by 𝕿𝖊𝖉𝖉𝖞 𝕮𝖔𝖗𝖕𝖚𝖟 (@teddspotting)


 

“Pinoproseso ko lang yung sarili ko parang it’s a big surprise. Ang bait lang ni Lord. Si Lord alam Niya talaga kung kailan niya ibibigay yung mga bagay tsaka mga taong kailangan ko sa tamang panahon. I’m so happy to see you,” sinserong saad ni Vice.

Masaya rin si Jhong sa kanyang muling pagbabalik at inalala ang kanyang mga naging experience habang nangangampanya kung saan may mga senior na nagsasabing nami-miss daw nila itong mapanood sa show.

“I miss you, guys! Maraming salamat kasi ang laking tulong sa akin ng Showtime dahil nakilala ako lalo ng mga tao at tinangkilik tayo sa Makati, nanalo ulit tayo. Pinakita ko naman na hindi lang tayo nag-Showtime, nagtatrabaho rin tayo. So maraming salamat sa lahat ng inspirasyon na ibinibigay n’yo sa akin,” sey ni Jhong.

“I have long been waiting for this moment to happen, to have you my OG Showtime family and my new Showtime family together.

“Ang tagal ko nang inaantay to, ipinagdarasal, hinihiling sa Diyos at sa management. Kailan lang kami nag-usap… two days ago, hiling ako nang hiling. At ang lagi kong hinihiling kayo, kayo ni Anne talaga,” emosyonal na sabi Vice.

Una nang nagbalik si Anne last week kung saan talaga namang inabangan siya ng madlang pipol at ngayon nga ay nagbabalik naman si Jhong.

Matatandaang pansamantala itong nagpaalam sa “It’s Showtime” upang pagtuunan ng pansin ang kanyang pamilya dahil ipinanganak na ng kanyang partner na si Maia Leviste Azores ang panganay nilang anak na si Baby Sarina.

 

Related Chika:
Jhong alay sa yumaong kapatid ang pagkapanalo sa Makati; Kathryn napasigaw sa ‘2 Good 2 Be True’

Jhong Hilario dinala ang anak na si Sarina sa eye hospital, bakit kaya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jhong Hilario dinala ang anak na si Sarina sa eye hospital, bakit kaya?

Jhong nagpaalam sa Showtime at YFSF: Inisip ko muna talaga yung anak ko…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending