Jhong alay sa yumaong kapatid ang pagkapanalo sa Makati; Kathryn napasigaw sa '2 Good 2 Be True' | Bandera

Jhong alay sa yumaong kapatid ang pagkapanalo sa Makati; Kathryn napasigaw sa ‘2 Good 2 Be True’

Alex Brosas - May 20, 2022 - 02:48 PM

Jhong alay sa yumaong kapatid ang pagkapanalo sa Makati; Kathryn napasigaw sa '2 Good 2 Be True'

SA kanyang kapatid na namayapa na, si Fernando V. Hilario, iniaalay ni Jhong Hilario ang kanyang tagumpay bilang isa sa nanalong councilors sa Makati.

Nanguna ang It’s Showtime host sa kanyang distrito. Matapos na maiproklama, dinalaw ni Jhong ang puntod ng kanyang namayapang kapatid para magbigay-pugay.

Sa kanyang Instagram account ay nag-post si Jhong ng dalawang photos.
“Salamat sa guide Tol… Panalo ulit,” say ni Jhong sa kanyang caption.

Marami naman ang nag-congratulate sa actor dahil sa kanyang panalo bilang konsehal ng Makati. Marami rin sa kanila ay gusto nang makita ang actor-dancer sa It’s Showtime.
“Congrats sample king please balik kna showtime.”

“Congratulations Jhong Hilario.”

“Thank u lord for our no1 councilor ( jong anak ) GOD BLESS US ALL!”

“Congrats pOH kuyzz jhong….balik ka na uli din sa showtime.”

“I hope Di kami nagka Mali sayo to vote jhong good luck help Makati people.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jhong Hilario (@jhonghilario)

 

Patuloy na sinusubaybayan at sinusuportahan ng viewers sa bansa ang mga teleserye ng ABS-CBN sa pamamayagpag ng “The Broken Marriage Vow” sa Viu at “2 Good 2 Be True” sa Netflix.

Most viewed Asian drama pa rin sa Viu Philippines ang “The Broken Marriage Vow” at maganda naman ang naging panimula ng “2 Good 2 Be True” dahil number one ito sa Top 10 list ng movies at TV shows sa Netflix Philippines.

Lubos ang pasasalamat ng direktor ng “The Broken Marriage Vow” na si Concepcion Macatuno sa pagtangkilik ng mga tao sa kanilang palabas.

“Nagpapasalamat kami na patuloy na nakaka-relate ang mga tao sa mga karakter ng palabas at kani-kanilang kwento. Maraming salamat po. Nag-uumapaw ang aming puso ng saya dahil sa inyong pagmamahal at suporta,” saad niya.

Ibinahagi naman ng “2 Good 2 Be True” director na si Direk Mae Cruz Alviar na kinabahan pa ang lead stars ng palabas na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla noong sinisimulan pa lang nilang gawin ang serye.

“Noong first day nila sabi nila kung marunong pa sila umarte. Parang sobra silang kinakabahan. Syempre it’s been a long time,” sabi niya.

Ikwinento pa niya kung paano nagdalawang-isip si Kathryn.

Aniya, “Kath, sorry I have to tell this story. It was simple. No dialogue, titingin lang siya sa TV. Nagbigay ako ng vocal cues and all. Ginawa niya tapos hindi pa ako nagcu-cut, sigaw niya ‘Ahhh!’ Gumanun siya. Sabi ko, ‘What’s wrong?’ Sabi niya, ‘Direk, parang hindi ko alam kung tama ba yung ginagawa ko.’”

Mas aalab pa ang gabi ng mga manonood ng “The Broken Marriage Vow” dahil mas tumitindi ang gulo, banggaan, at gantihan sa pagitan nina Dr. Jill (Jodi Sta. Maria) at David (Zanjoe Marudo), lalo pa at may nangyari sa kanilang dalawa habang naiwang walang kamalay-malay dito si Lexy (Sue Ramirez). Nariyan din ang problema nila sa anak nilang si Gio (Zaijian Jaranilla) – na naiipit sa hidwaan ng kanyang mga magulang.

 

View this post on Instagram

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)

 

Samantala, lumiliit na ang mundo para kina Eloy (Daniel) at Ali (Kathryn) matapos patuloy na naghahanap ang babae ng ebidensiya para makatulong maresolba ang nakawan sa hotel. Sa paghahanap ni Eloy sa dalaga, malalaman niyang nurse pala ito sa parehong ospital kung saan naka-admit ang tatay ni Tox (Gillian Vicencio) na si Mang Ben (Earl Ignacio). Abangan ang susunod nilang pagtatagpo at kung malusutan ba ni Eloy ang ginagawang imbestigasyon ni Ali.

Mauna na at panoorin ang mga kaganapan sa “The Broken Marriage Vow” sa Viu at iWantTFC. Mapapanood din ito mula Lunes hanggang Biyernes, 9:20 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Tutukan din in advance ang gumagandang kwento ng “2 Good 2 Be True” sa Netflix at iWantTFC. Subaybayan din ito Lunes hanggang Biyernes, 8:40 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, Jeepney TV, at Cinemo.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Jhong nakaramdam ng matinding takot nang ipanganak si Baby Sarina

Jhong nagpaalam sa Showtime at YFSF: Inisip ko muna talaga yung anak ko…

Jhong Hilario natalisod pero hindi halata, tumabling at nagpatuloy sa pangangampanya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending