Jhong nakaramdam ng matinding takot nang ipanganak si Baby Sarina | Bandera

Jhong nakaramdam ng matinding takot nang ipanganak si Baby Sarina

Ervin Santiago |April 29,2021
facebook
share this

Jhong nakaramdam ng matinding takot nang ipanganak si Baby Sarina

Ervin Santiago - April 29, 2021 - 02:03 PM

NAKARAMDAM ng matinding takot ang TV host-actor na si Jhong Hilario nang isilang na ang una niyang anak na si Baby Sarina.

Nagbahagi sa madlang pipol si Jhong ng ilang kaganapan sa kanyang buhay bilang isang first time tatay sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa actor-dancer, nakakapanibago at talagang napakahirap pala ang maging magulang ngunit ibang-iba ang kaligayahang dulot nito sa kanyang buhay.

“Ito, walang tulog. Pero masaya. Sobrang nakakatuwa na meron na ‘kong baby,” panimulang kuwento Jhong nang mag-guest sa nakaraang episode ng “Magandang Buhay.”

Dito, nabanggit nga ng aktor na inatake rin siya ng grabeng kaba at takot noong kapapanganak pa lang ng anak nila ng kanyang partner na si Maia Azores.

“Pero kailangan ko lakasan ‘yung loob ko kasi wala namang gagawa nun. Siyempre si Maia, bagong operada rin. CS siya, eh.

“So hindi pa rin masyadong makagalaw. Kailangan ako kasi wala rin naman kaming kasambahay,” sey ni Jhong.

Masaya rin niyang ibinahagi ang mga assignment niya sa pag-aalaga kay Baby Sarina, kabilang na riyan ang pagpapalit ng diaper.

Chika ng “It’s Showtime” host, “Unang-una ‘yung pagpapaaraw. Kailangan kong gumising na 6:30 ng umaga para mapaarawan si Sarina.

“Tapos ‘yung pagligo, ako nagpapaligo sa kanya. Siyempre, palitan din kami (ni Maia) sa palitan ng diapers at pagpapalit ng damit,” pahayag ng aktor.

Isa pa sa natanong kay Jhong ay kung bakit Sarina ang ipinangalan nila sa kanilang first baby, “Sarina, galing ‘yan sa Hebrew name na ang ibig sabihin ay princess.

“Ang second naman niya ay Oceania kasi mahilig kami sa dagat, eh. Nu’ng buntis din si Maia, nasa beach kami, nagsu-swimming kami. So more on water. So naisip namin ocean, princess of the ocean, kaya Oceania,” paliwanag ni Jhong.

Ngayon pa lang ay marami na ang nagsasabi na magiging magaling na dancer din ang anak niya na binansagan na nga ng kanyang mga fans na “Sample Princess”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kasi parang hindi naman ako papayag na talagang hindi siya matutong magsayaw. Sabi ko nga, siguro it’s time na ‘yung talent ko ipasa ko naman sa kanya,” ang masayang reaksyon naman ni Jhong.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending