Jhong Hilario natalisod pero hindi halata, tumabling at nagpatuloy sa pangangampanya | Bandera

Jhong Hilario natalisod pero hindi halata, tumabling at nagpatuloy sa pangangampanya

Therese Arceo |March 30,2022
facebook
share this

Jhong Hilario natalisod pero hindi halata, tumabling at nagpatuloy sa pangangampanya

Therese Arceo - March 30, 2022 - 08:26 PM

Jhong Hilario natalisod pero hindi halata, tumabling at nagpatuloy sa pangangampanya

KALAT ngayon ang video ng Kapamilya actor-dancer na si Jhong Hilario habang tumatakbo ito sa palibot ng kalsada ng Makati.

Posted ang video sa Facebook page ng Street Boys, dance group noon ng actor-politician ang video niya na nakikipagkamay sa mga residente ng Makati na kanyang madaraanan.

Ngunit sa kanyang pagtakbo ay bigla na lamang natalisod si Jhong sa nakausling semento sa kalsada.

At marahil ay dahil na rin sa beterano na ito sa pagsayaw at pag-gawa ng stunt tulad ng pag-tumbling, hindi naging halata ang kanyang pagkatalisod.

Sa halip ay idinaan ni Jhong ang pagkatapilok sa pag-tumbling sabay taas noong tumayo at yumakap sa isang residente na kanyang nadatnan sa kanyang pagtayo.

 

 

Sa caption ng Street Boys ay ki-nowt nila ang sinabi ng actor-politician.

“‘‘Kung sa pagtakbo ng buhay nadapa ka, ang unang una mong ggawin ay tumayo. Pero kung streetboys ka i-roll mo ang pagtayo’ – Councilor Jhong Hilario,” caption sa naturang video post.

Dagdag pa nito, “Iba ka talaga bro full support kami sa ‘yo! We love you bro!”

Umabot na ng 56k shares and naturang video at 280k reactions.

Aliw na aliw naman ang mga netizens sa video ni Jhong.

“Good reflexes, councilor. Might as well continue it with a dance,” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “At dahil dyan, panalo ka na Jhong! Ahahaha.”

“Nice Kuys Jhong iba talaga sample king natin….God bless and Salute,” sey naman ng isa pa.

Sa ngayon ay muling tumatakbo sa pagkakonsehal ang “It’s Showtime” host para muling ipagpatuloy ang pagsisilbi sa kanyang constituents sa Makati.

Samantala, nitong March 27 naman nang mag-celebrate ng ika-1st birthday ang anak ni Jhong na si Baby Sarina.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maia Leviste Azores (@maialevisteazores)

“Happy FIRST birthday to the person we love the most. We wish you a happy and healthy life. We are so blessed to be your parents,” saad ni Jhong.

Nagpasalamat naman ito sa kanilang pamilya at mga kaibigan na dumalo at naki-celebrate sa birthday ng kanyang anak.

“We would like to thank all the people who made the birthday of our daughter special,” dagdag ni Jhong.

Ilan sa mga artistang dumalo sa birthday party ni Baby Sarina ay sina Vhong Navarro, Karylle, Yael Yuzon, at Ryan Bang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Jhong Hilario dinala ang anak na si Sarina sa eye hospital, bakit kaya?

Jhong nakaramdam ng matinding takot nang ipanganak si Baby Sarina

Jhong nagpaalam sa Showtime at YFSF: Inisip ko muna talaga yung anak ko…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending