Jhong Hilario dinala ang anak na si Sarina sa eye hospital, bakit kaya? | Bandera

Jhong Hilario dinala ang anak na si Sarina sa eye hospital, bakit kaya?

Therese Arceo |March 08,2022
facebook
share this

Jhong Hilario dinala ang anak na si Sarina sa eye hospital, bakit kaya?

Therese Arceo - March 08, 2022 - 05:37 PM

Jhong Hilario dinala ang anak na si Sarina sa eye hospital, bakit kaya?

DALI-DALING ipinatingin ng “It’s Showtime” host na si Jhong Hilario ang kanyang anak na si baby Sarina sa Asian Eye Institute nitong Lunes.

Base sa kanyang Instagram story, agad silang umalis para makita ng doktor ang kalagayan ng kanilang baby girl matapos nitong aksidenteng matusok ang mga mata.

“Had to bring @sarinahilario to Dra. Michelle ASAP cause I accidentally poked her eye. Thank God for @asianeyeinstitute, they have really good doctors who specialize in babies and we feel so safe bringing her there,” saad ni Jhong.

Matapos ang check up ay labis ang pasasalamat ng TV host-actor dahil maayos at walang nangyaring masama sa mga mata ni baby Sarina.

“All good! Thank you, Lord her eyes are ok. No scratch. They even checked the sides and back of her eyes, everything ok!” sey ni Jhong sa kanyang isa pang IG story.

Samantala, ngayong buwan naman gaganapin ang first birthday ni Baby Sarina na ipinanganak noon March 27, 2021.

Sa Instagram account ni Maia Leviste Azores, partner ni Jhong ay ibinahagi nito ang kanilang naging selebrasyon sa ika-11th month ng kanilang anak.

Nagkaroon ng beach getaway ang Hilario family kasama ang kanilang kaanak base na rin sa video post nito.

‘Happy 11th month @sarinahilario. Papa and Mama love you more than you will ever know,” bati ni Maia sa anak.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maia Leviste Azores (@maialevisteazores)

 

Samantala, nag-post rin si Jhong ng kulitan video nila ng anak kung saan game na game na makipagdaldalan.

Sey ng aktor, “Tiktalk with my 11 month old baby. Happy 11 months my princess!”

Related Chika:
Jhong nagpaalam sa Showtime at YFSF: Inisip ko muna talaga yung anak ko…
Jhong nakaramdam ng matinding takot nang ipanganak si Baby Sarina
Francine Diaz: May third eye ako pero ngayon wala na, nagsarado na siya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending