Lolit Solis nag-react sa pagdalo ng Kapamilya stars sa GMA Gala 2023: ‘Parang big deal na sa lahat’
NAGLABAS ng pahayag ang talent manager at kolumnistang si Lolit Solis patungkol sa nagdaang GMA Gala 2023.
Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang larawan kung saan makikita ang “It’s Showtime” hosts na sina Vice Ganda at Anne Curtis.
“Ewan ko ba Salve pero siguro nga dahil narin sa bihira ang mga ganap sa paligid kaya halos lahat nakatutok sa kung ano ang mga nangyayari around. Talk of the town parin iyon GMA Gala,” panimula ni Lolit.
Dagdag pa niya, “Para bang walang malaking kaganapan sa paligid. Nakakatawa nga na pati iyon mga Kapamilya na nag attend ng Kapuso party parang big deal na para sa lahat.”
Ani Lolit, kahit pa nga sabihin raw sabihin na nagkaroon ng collaboration ang Kapamilya at Kapuso network kaya welcome na ang lahat sa naturang gala ay may isang bagay pa rin ang kapansin-pansin.
View this post on Instagram
Baka Bet Mo: #Kabogera: Heart umabot ng P28-M ang suot na OOTD at accessories sa GMA Gala 2023
“Iyon bang parang ang sa GMA7 lang ang very open ngayon para sa anuman project na nagawa. Para bang pag hindi GMA7 walang dating ang project.
“Nakita nga ng lahat na nag attend ang mga Kapamilya sa Kapuso party. Maganda naman dahil at least magkakasama na sa project ang mga stars at wala ng network war,” sey ni Lolit.
Dagdag pa niya, sana nga raw ay magtuloy-tuloy na raw ito para mas maraming choices ang manonood.
“Sana nga, para mas maganda, mas free sila to choose. Masarap makita na magkakasama silang lahat… Kelan na mapapanuod sila Vice Ganda sa show ni Michael V? Kelan na gagawa si Dingdong Dantes with Kapamilya stars? Naku exciting, kaya abangan. Bongga,” hirit pa ni Lolit.
Related Chika:
Lolit Solis naaawa kay Joey de Leon; Bossing Vic natutulala tuwing sasapit ang tanghalian
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.