Anne Curtis inokray ng netizens sa GMA Gala 2023, nagmukha raw 'lumpiang shanghai' sa suot na gown | Bandera

Anne Curtis inokray ng netizens sa GMA Gala 2023, nagmukha raw ‘lumpiang shanghai’ sa suot na gown

Ervin Santiago |July 24,2023
facebook
share this

Anne Curtis inokray ng netizens sa GMA Gala 2023, nagmukha raw ‘lumpiang shanghai’ sa suot na gown

Ervin Santiago - July 24, 2023 - 10:55 AM

Anne Curtis inokray ng netizens sa GMA Gala 2023, nagmukha raw 'lumpiang shanghai' sa suot na gown

Anne Curtis (Photo from Twitter & Instagram)

SA halip na mapikon, sinakyan na lang ng TV host-actress na si Anne Curtis ang komento ng netizens na nagmukha raw siyang “lumpiang shanghai” sa ginanap na GMA Gala 2023.

Napagtripan ng mga bashers ang OOTD ni Anne nang rumampa siya sa GMA Gala 2023 na ginanap sa Marriott Hotel, Pasay City, nitong nagdaang Sabado, July 22.

Kasama ni Anne na dumating sa Kapuso event ang mga co-hosts niya sa “It’s Showtime” (napapanood na rin sa GTV Channel) na sina Vice Ganda at Vhong Navarro.

Suot ang kanyang white Yves Saint Lauren gown, binuhay ng Kapamilya star ang American actress at style icon na si  Audrey Hepburn sa kanyang bonggang-bonggang awrahan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Maraming napa-wow sa OOTD ni Anne na kahit simpleng-simple ang style ay super elegante pa rin ang datingan at nag-uumapaw ang kasosyalan.

Pero may mga netizens din ang nambasag sa gown ni Anne at ikinumpara nga ito sa “lumpiang shanghai” na kababalot pa lang sa white wrapper.

Baka Bet Mo: Evening gown ni Celeste Cortesi sa Miss Universe PH 2022 may konek sa yumaong ama: My guardian angel…

Nag-post pa nga ang ilang Twitter users ng litrato ni Anne na kuha sa GMA Gala 2023 katabi ang mga lumpiang shanghai na hindi pa napiprito na nagpasabog nga ng good vibes at laugh trip sa socmed.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)


“Hindi ko talaga matanggap ‘yung suot ni Ms. Anne Curtis sa #GMAGala2023. Mukhang shanghai na hindi pa napiprito. Here’s the comparison to prove my point. Pero ang ganda mo pa rin po, Ms. Anne. Loveyouuu!” tweet ng isang netizen.

Sa kanyang Instagram story, nag-post naman ang kaibigan ni Anne na si Vice ng isang video kung saan makikitang nagpalit na sila ng damit pagkatapos ng event.

Base sa galawan ng dalawa, nasa harapan sila ng isang salamin habang bini-video sa kanilang mga sarili. Sey ni Vice kay Anne, parang mas maganda raw siya kapag malayo at malabo ang kuha.

Hirit naman ni Anne, “Here, have some lumpia,” na ang tinutukoy nga ay ang bitbit niyang gown na nakatupi na. Sinundan naman ito ng malakas na tawa ng magkaibigan.

Bwelta ni Alice Dixson sa mga nang-okray sa kanyang GMA Gala Night yellow gown: Ang tao nga naman…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Barbie Forteza, Jak Roberto, David Licauco solong rumampa sa GMA Gala 2023

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending