Vice Ganda 'nag-ala Lea Salonga' sa bahay kasama ang mga alagang aso: 'I have boundaries, do not cross them...or my babies will eat you!' | Bandera

Vice Ganda ‘nag-ala Lea Salonga’ sa bahay kasama ang mga alagang aso: ‘I have boundaries, do not cross them…or my babies will eat you!’

Ervin Santiago |July 20,2023
facebook
share this

Vice Ganda ‘nag-ala Lea Salonga’ sa bahay kasama ang mga alagang aso: ‘I have boundaries, do not cross them…or my babies will eat you!’

Ervin Santiago - July 20, 2023 - 01:06 PM

Vice Ganda nag-ala Lea Salonga sa bahay kasama ang mga alagang aso: 'I have boundaries, do not cross them...or my babies will eat you!'

Vice Ganda

BENTANG-BENTA sa madlang pipol ang tila pakiki-ride ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa viral “dressing room” video ng international star na si Lea Salonga.

Hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan ang ginawang paninita ng Broadway star sa ilang fans nang subukan ng mga ito na magpa-picture sa kanyang dressing room.

Marami ang kumampi kay Lea nang kumalat ang nasabing video, kabilang na ang mga kapwa niya celebrities pero may mga nam-bash din sa kanya at nagkomento na hindi tama ang ginawa niyang “pagtaboy” sa mga fans.

Hati rin ang reaksyon ng mga netizen sa naging pahayag ni Lea nang mag-viral ang kanyang video. Tweet ng singer, “Just a reminder… I have boundaries. Do not cross them. Thank you.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nagsalita na rin ang taong nag-upload sa viral video at sinabing hindi raw siya magso-sorry o mag-iisyu ng public apology sa kanyang ginawa dahil naniniwala siya na wala siyang ginawang kasalanan.

Sa episode kahapon, July 19, ng “Rampanalo” segment sa “It’s Showtime”, nagbiro si Vice nang aminin ng isang contestant na idol niya ang TV host-comedian na si Vhong Navarro.

Baka Bet Mo: Janno ipinagtanggol si Lea sa ‘dressing room’ viral video: ‘Sana lang nasabi niya nang mas maayos, yung hindi mapapahiya ang fans’

“Sige abangan mo mamaya si Vhong sa dressing room,” hirit na joke ni Vice.

Humirit naman ang isa pang host ng noontime show na si Amy Perez na may sinusunod silang protocols sa studio, na sinundan ng tawanan ng iba pang co-hosts ng programa pati ng  audience.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Bukod dito, humirit uli si Vice kanyang  Instagram post na tila nag-ala Lea Salonga sa caption na inilagay niya sa mga litrato nila ng mga alagang aso. Kuha iyon sa pintuan ng kanyang mansiyon.

“I have boundaries. Do not cross them. Or my babies will eat you!” ang nakakalokang warning ng TV host-comedian na halos kapareho nga ng naging tweet ni Lea tungkol sa kanyang “dressing room” video.

Tulad ni Lea, inireklamo rin noon ni Vice ang isang fan na humablot sa kanyang wig habang nagko-concert sa Canada.

Pinagsabihan ng komedyante ang naturang fan, “Don’t do that, don’t do that. That’s very disrespectful. You don’t do that.

“You have to say sorry to me. Don’t do that, that’s very rude. Yah, I’m trying to give you a wonderful time but you don’t hurt me. That’s not right. We want to be friends here. Don’t hurt me, di ba?” ang sabi ni Vice.

Paalala ni Lea sa fans sa gitna ng viral video sa dressing room: ‘Just a reminder…I have boundaries, do not cross them’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kyle inaming may boundaries sila ni Francine; may pasaring nga ba sa SethDrea?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending