Fan na nag-upload ng viral 'dressing room' video ni Lea nagsalita na: 'Hindi ako nagsisisi na ipinost ko siya kasi nga lumuwag ‘yung dibdib ko' | Bandera

Fan na nag-upload ng viral ‘dressing room’ video ni Lea nagsalita na: ‘Hindi ako nagsisisi na ipinost ko siya kasi nga lumuwag ‘yung dibdib ko’

Ervin Santiago |July 20,2023
facebook
share this

Fan na nag-upload ng viral ‘dressing room’ video ni Lea nagsalita na: ‘Hindi ako nagsisisi na ipinost ko siya kasi nga lumuwag ‘yung dibdib ko’

Ervin Santiago - July 20, 2023 - 07:19 AM

Fan na nag-upload ng viral 'dressing room' video ni Lea nagsalita na: 'Hindi ako nagsisisi na ipinost ko siya kasi nga lumuwag ‘yung dibdib ko'

Lea Salonga at Christopher Carpila

WALANG balak mag-sorry ang taong nag-upload ng viral video ni Lea Salonga habang pinagsasabihan siya at ang mga kasamahan niya nang mag-request silang magpa-picture.

Nanindigan si Christopher Carpila, ang siyang nasa likod ng kontrobersyal na “dressing room” video ngayon ng Broadway star, na wala siyang ginawang kasalanan.

Aniya, wala raw silang nakikitang masama sa pagpo-post ng nasabing video kaya hindi rin nila naiisip na humingi ng tawad o paumanhin sa kahit na sino.

“Siyempre tayong mga Pilipino, di ba, kapag may show, gusto natin para may remembrance tayo, makapag-picture tayo. Noong labasan na, nagtanong kami sa isang personnel kung saan namin pwedeng makita si Ms. Lea,” simulang pagbabahagi ni Christopher sa panayam ng mag-asawang Julius at Christine Babao sa One PH.

Ang tinutukoy niya ay ang Broadway musicale na “Here Lies Love” na kanyang pinanood kasama ang ilang kaibigan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“In-instruct niya kami na pumunta sa exit door, which is kung saan lumalabas ‘yung mga artista kapag talagang magsa-sign ng autograph or pauwi na, so pumunta po kami doon. Ito po ‘yung sa pinakalabas ng theater,” aniya pa.

Sabi pa ng nag-upload ng video, matapos maghintay ng matagal, nagtanong na sila sa isang production staff kung saan nila makikita si Lea at sinabi ngang baka nasa dressing room na ito.

“Tinanong niya po anong pangalan namin. So pagkatanong ng pangalan namin, pumasok na siya sa loob. After a while, bumalik siya and then tinanong ulit ang pangalan namin.

“Hindi po namin alam kung anong ginawa niya, kung may kinonfirm or whatever, then lumabas siya ng pangatlong beses sabi niya, ‘You can go inside na,’” sabi raw sa kanila ng staff hanggang sa i-assist na sila papunta sa dressing room kung saan may mga nakalinya na para sa photo ops at chika-chika.

Baka Bet Mo: Reaksyon ni Lea Salonga nang may magpa-picture na fans sa dressing room viral na: ‘Who are you? I’m so sorry, I don’t know who you are…’

“Wala po kaming na-name drop na kahit sino noong time na ‘yun… at pagdating ng moment namin, parang ready na kaming lahat. Tapos noong nakita namin siya, alam niyo ‘yung kandila na parang nalusaw? Parang hindi namin ine-expect but of course, nirerespeto po namin si Ms. Lea.

“Baka that time pagod po siya or whatever. Naiintindihan po namin ‘yun kaya kung mapapansin niyo po, noong nag-instruct siya sa amin na doon, doon, sinunod pa rin namin siya,” pagbabahagi pa niya.

“Tapos right after ng show, suddenly doon sa exit which I think na malapit sa dressing room, nakita ko po si Ms. Lea. Bigla ko pong kinalabit ‘yung mga kasama ko na gustong magpa-picture sa kanya sa dance floor, dahan-dahan kaming lumapit pero sabi niya (sa security), ‘I don’t know them.'”

Tungkol naman sa pag-name drop ng isa niyang kasamahan sa co-producer ng “Here Lies Love” na si G Tongi, “Honest mistake lang po ‘yan kasi na-rattle na po siya. Kumbaga, na-shock po siya dahil sa bungad sa amin ni Ms. Lea.”

Pagdidiin pa niya, “Alam ko na wala po akong ginawang masama. Tao lang ako na ‘di nakapag-isip ng iki-click… tayong mga Pilipino kapag nakakaramdam ng konting sakit ng dibdib, nakakapag-post tayo, nakakapagsalita tayo ng mga bagay na hindi natin alam ang naging consequence. Ayun po siguro ang nangyari sa akin, dahil sa disappointment lang.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Nirerespeto ko po si (Lea). Hindi ako nagsisisi na ipinost ko siya kasi nga lumuwag ‘yung dibdib ko. Nailabas ko disappointment sa dibdib ko. Nailabas ko na siya.

“I think hindi naman po ako nag-cross sa boundaries niya. Naipakita naman po sa video ‘yun. Hindi naman ako lumapit sa kanya nang malapit na malapit,” paliwanag pa ni Christopher.

Nauna rito, nanindigan din si Lea sa kanyang paniniwala na mali ang ginawa ng mga naturang fans at sa kabila raw ng pangnenega at pang-ookray sa kanya sa social media patuloy niyang poprotektahan ang sinasabi niyang “boundaries.”

Sa kanyang Twitter account, ito ang ipinagdiinan ni Lea, “The money you pay for a theater/concert ticket does not mean all-access. You pay for that performer’s art, and that’s where it stops.

“I’m not the type to cuss people out, but I will protect my territory and my boundaries. If I lose fans as a result, so be it,” ang matapang pa niyang pahayag.

Janno ipinagtanggol si Lea sa ‘dressing room’ viral video: ‘Sana lang nasabi niya nang mas maayos, yung hindi mapapahiya ang fans’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Neri Miranda super faney ni Lea Salonga pero hindi ginamit si Chito para makapagpa-picture

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending