Reaksyon ni Lea Salonga nang may magpa-picture na fans sa dressing room viral na: 'Who are you? I’m so sorry, I don’t know who you are...' | Bandera

Reaksyon ni Lea Salonga nang may magpa-picture na fans sa dressing room viral na: ‘Who are you? I’m so sorry, I don’t know who you are…’

Ervin Santiago |July 17,2023
facebook
share this

Reaksyon ni Lea Salonga nang may magpa-picture na fans sa dressing room viral na: ‘Who are you? I’m so sorry, I don’t know who you are…’

Ervin Santiago - July 17, 2023 - 03:49 PM

Reaksyon ni Lea Salonga nang may magpa-picture na fans sa dressing room viral na: 'Who are you? I’m so sorry, I don’t know who you are...'

Lea Salonga

MAINIT na pinagdedebatihan ngayon ang naging reaksyon ni Lea Salonga nang biglang pumasok sa kanyang dressing room ang ilang fans.

Trending ngayon sa social media ang isang video kung saan makikita nga ang international singer-actress na pinagsasabihan ang nasabing fan na gustong magpa-picture sa kanya.

Mapapanood sa naturang viral video na in-upload sa Facebook ng netizen na nagngangalang “Cristopher Retokelly Carpila” si Lea habang pinaaalis ang kumukuha ng video at mga kasama nito.

“Who are you? I’m so sorry, I don’t know who you are,” ang marespeto namang sabi ni Lea sa mga sumugod sa kanyang dressing room.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Broadway Cares (@bcefa)


“We’re just a fan,” ang tugon sa kanya ng taong kumukuha ng video.

Ayon kay Lea, wala naman daw sa guest list ang mga nag-request ng picture sa kanya at baka raw kapag pinagbigyan niya ang mga ito ay magsunuran na ang ibang taong naroon at baka magkagulo pa.

Ipinunto rin ng award-winning singer-actress na hindi siya puwedeng basta-basta magpapasok sa loob ng dressing room “for security reasons”. Mahinahon naman ang pagpapaliwanag sa kanila ni Lea.

May nagsabi naman na kasama sila ng isa sa mga producers ng show at na-mention pa ng mga ito ang aktres na si G Tongi.

Nang lumabas na ng dressing room si Lea ay nagsunuran na rin ang mga fans at pinagbigyan din ang mga ito sa request nilang pagpapa-selfie. In fairness, si Lea pa nga ang pumili ng lugar kung saan sila pwedeng magpiktyuran.

“Sorry madam,” ang sabi ng kumukuha ng video kay Lea.

“Lea idol na idol ka po namin, kahit isang picture lang po,” sey pa nito habang sumusunod sa Broadway star.


“Thank you so much,” ang sabi naman sa kanya ni Lea bago nag-pose kasama ang mga fans.

Narito ang buong pahayag ng uploader ng video.

“GUSTO KO LANG PO IPOST. Bahala na po kayo humusga.

“Sa Truth Lang i am very PROUD of Miss LEA SALONGA kasi nga siempre naman isa siyang Karangalan ng ating bansa. ganun pa man hindi ako super FAN niya kasi alam na alam niyo naman na Nag-iisa lang ang SUPER IDOL KO, walang iba kundi ang Nag iisang MEGASTAR Sharon Cuneta.

“Dear Ate Charo,

“Ipopost ko ito kasi Happy ako at nakita ko siya in person at hindi lang in person kundi napakamalapitan pa. As in… super lapit..

“Etong VIDEO na ito ay Part 2 na (eksena sa dressing room) ang Part 1 ay naganap right after the show sa baba ng entablado na ang naiwan nalang ay iilang staff bago kami nakapasok (sayang hindi ko nakuhaan ng video yun dahil nga sa sobrang kilig at excitement) pero promizzz mas mas mas malala yung PART 1 – hindi ko navideohan kasi nga picture ang habol namin at reallyyy diko ineexpect na ganun ang magiging Ganap.

Baka Bet Mo: Lea Salonga excited nang magtanghal sa White House: This is happening!

“Para kay Ate LEA, If ever naman po na mali kami at wala sa guest list , the Fact na andun na kami para lang magpapicture .. pumila at nagbayad ng mahal para sa Show, siguro naman po bilang Kapwa PILIPINO at mga FANS eh mabigyan ng kahit konting RESPETO AT KAHIT HINDI NA YAKAPIN OR I BESO ay mapagbigyan na kahit sandaling Magpa PICTURE (mabilis lang naman yun).

“Naku ha, mahaba na itong Drama, anyway basta ako okey lang ako, SHARONIAN AKO NOH at sabit lang ako na nanuuod ng HERE LIES LOVE sa New York. Nalungkot lang ako para sa mga kasama ko na mga FANS NIYA TALAGA.
Sabi ko nga sa kanila , next time na may CONCERT SI ATE SHAWIE isasama ko kayo.

“At makikita niyo kayo pa ang tatawagin nun para YAKAPIN, HALIKAN AT SIYA PA HAHAWAK NG PHONE NIYO PARA MAKAPAGPAPICTURE.

“Anyway promote ko padin. sa lahat ng mga kababayan nating pinoy sa amerika, watch niyo ang HERE LIES LOVE sa BROADWAY. IPARAMDAM NATIN ANG suporta SA MGA  magagaling nating FILIPINO Talents dito sa amerika,” ang buong pahayag ng nasabing fan.

Iba-iba ang naging reaksyon ng netizens sa nasabing video, may mga kumampi sa netizen pero may mga nagtanggol naman kay Lea at nagsabing tama lang ang ginawa niya for security reasons.

Rendon Labador rumesbak matapos malugi sa opening ng resto: ‘Baka lahat ng fans ni Coco ay palamunin lang’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lea may tips sa mga gustong maging singer; Alden, Jennylyn wagi sa 2nd VP Choice Awards

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending