Rendon Labador rumesbak matapos malugi sa opening ng resto: 'Baka lahat ng fans ni Coco ay palamunin lang' | Bandera

Rendon Labador rumesbak matapos malugi sa opening ng resto: ‘Baka lahat ng fans ni Coco ay palamunin lang’

Alex Brosas |March 28,2023
facebook
share this

Rendon Labador rumesbak matapos malugi sa opening ng resto: ‘Baka lahat ng fans ni Coco ay palamunin lang’

Alex Brosas - March 28, 2023 - 06:44 AM

Opening ng resto ni Rendon Labador nalugi, muling bumanat: 'Baka lahat ng fans ni Coco ay palamunin lang'

Coco Martin at Rendon Labador

SINCE nilangaw ang opening ng kanyang resto ay uulitin na lang ng motivational speaker na si Rendon Labador ang grand opening nito.

This, he announced via his official Facebook page.

“Uulitin ko nalang ang grand opening. Sana masaya lahat ng Coco fans sa ngyari.

“I will struggle. I will fall down. But I will always rise back up. AND I’LL BE STRONGER THAN BEFORE. #stayMotivated.”

‘Yan ang caption ni Rendon sa kanyang post which said, “ANNOUNCMENT! Effective today March 27, 2023 We are temporarily closed. We will reopen soon. Thank you!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rendon Labador (@rendonlabadorfitness)


Sa isang post sa Facebook pa rin, inamin ni Rendon na nalugi siya dahil walang pumunta sa opening ng kanyang resto.

“LUGI ANG EVENT, LUGI ANG INVESTMENT KO sa grand opening concert ng Episode Bar + Kitchen Pero kahit na ganon ang ngyari, sa positive side parin tayo tumingin at kunin ang mga lessons for us to be better. Eto ang nakita ko at mga na realize,” say niya.

Sa kanyang post, binanatan niya ang fans ng lead star ng “Batang Quiapo” na si Coco Martin. Nilait niya ang fans ng actor.

“Sunday realizations.

Baka Bet Mo: Rendon Labador ‘umiyak’ sa socmed, ticket sa grand opening ng negosyo nilangaw: Wala sanang personalan

“Ang assessment ko sa nangyari  na ZERO TICKET SALES sa grand opening concert ng @episodebarandkitchen kagabi ay ito…

“Una: Masyadong madamdamin  ang fans ni Coco. Pinersonal ako.

“Pangalawa: Baka lahat ng fans ni Coco  ay palamunin lang, kaya kahit 2,000 Ticket ay hindi ma-afford.

“Ibig sabihin lahat ng fans ni Coco ay mga walang pera. Sabagay  magkakaibang market naman talaga.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)


Of course, hindi ito pinalagpas ng fans ni Coco.

“Bumagsak ka na nga nilait mo pa mga fans ni coco martin, hindi ako fans ni coco pero, mali na yang ginagawa mo, hindi na yan motivation, paninirang puri na yan, alam mo yung ikaw na yung motivational speaker, business advisor, mentor and etc.

“Pero ikaw ung bumabagsak sa sarili mong negosyo, wag mong ipilit ung gusto mo na feeling mo tama ka, hindi sa lahat ng oras tama ang pinagsasabi mo, matuto ka sana sa sarili mong ginagawa, pinaka mahalaga, alamin mo ang pagkakamali mo, humingi kana lang sana ng tawad, at baguhin mo ang pananaw mo, yung iniisip mo motivate na motivate ka sa sarili mo, naku iba na yan, good luck nalang sayo,” mahabang komento ng netizen.

“Though it is clear that this is just your marketing strategy, hindi pa rin mabuti. i am a fan of coco, pero sir hindi po ako at ang pamilya ko PALAMUNIN.  ANG BASTOS MO. motivational speaker kunu.mas mabuti po sana mag marketing ka nang walang tinapakang tao. di ka nakakatulong,” ang sabi naman ng isa pang supporter ni Coco.

At ito pa, “Ows talaga, Uulitin ko, hindi lahat, FANS NI COCO! Bakit sila ang pinag-iinitan mo, at bakit sila ang sinisisi mo sa pagflop ng event mo? Bakit di mo tanungin yang mga LOYAL at SUMASAMBA sa kaTANGAhan kung bakit di sila bumili ng ticket mo?! And PARA SA KABATIRAN MO, kahit ako, di ko aaksayahin ang pera ko sa pangtoma at panggimik, kahit pa andun pa mga gusto kong artist o performer.

“Mas mahalaga sa akin ang may makain ako sa araw-araw, maipambayad ng kuryente, tubig, wifi (lalo sa iba na afford), at iba pang bayarin sa bahay. Yung iba may pamilya, may mga anak. Anong mapapala nila sa tickets mo at sa walang kwentang event mo?! Sikat ka bang performer para magngangawa ka online?!

“Alam mo ba, TEH, what hits you?! KARMA! OPO, SYA NGA PO… KARMA! TANGA-TANGA KA KASI SA SOCIAL MEDIA AT COCO MARTIN PA ANG PINAG-IINITAN MO, HAHAHA! SABI KO SAYO, YANG MGA PINANGGASTOS MO, SANA GINAMIT MONG TULONG PARA SA IPINAGLALABAN MO!

“KASO HINDI, MASAMA KA TALAGA! SIRA NA IMAHE MO! SIRANG SIRA! AYOKO SANANG SABIHIN ITO, ACCLA… SANA DI MAGMANA SAYO YANG ANAK MO! PAMILYADO KA PA NAMAN, PERO BABAKLA-BAKLA KANG OGAG KA, HAHAHA! BUTI NGA SA ‘YO!”

Rendon Labador binanatan si Coco Martin: ‘Hindi ka ba talaga nakakaintindi?’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rendon Labador muling bumanat kay Coco Martin: Settle niya muna siguro ang issue niya sa mga vendors

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending