Lea Salonga excited nang magtanghal sa White House: This is happening! | Bandera

Lea Salonga excited nang magtanghal sa White House: This is happening!

Pauline del Rosario |April 23,2023
facebook
share this

Lea Salonga excited nang magtanghal sa White House: This is happening!

Pauline del Rosario - April 23, 2023 - 11:35 AM

Lea Salonga excited nang magtanghal sa White House: This is happening!

PHOTO: Instagram/@msleasalonga

ANG bongga naman ng Tony award-winning actress na si Lea Salonga!

Isa kasi siya sa mga naimbitahan upang mag-perform sa “state dinner” na magaganap sa White House.

Para sa mga hindi pa masyadong aware, magkakaroon ng State Visit sa US si South Korean President Yoon Suk Yeol kasama ang First Lady na si Kim Keon Hee sa darating na April 26.

At dahil diyan ay magkakaroon nga ng pagsasalu-salo na kung saan ay tampok ang ilang sikat na music artists.

Ayon sa theater news website na BroadwayWorld, nakatakda ring magtanghal ang broadway stars na sina Norm Lewis at Jessica Vosk, pati na rin ang ilang international pop stars na sina Demi Lovato, Ne-Yo, Sara Bareilles at marami pang iba.

Kinumpirma naman ‘yan mismo ni Lea at inihayag pa ang kanyang pagkasabik sa magiging performance.

Tweet pa niya, “This is Happening!”

Baka Bet Mo: Lea Salonga nairita sa mga ‘bastos’ sa social media: Protektahan ang inyong puso, isip at sikmura

Noong nakaraang buwan lamang ay inanunsyo ng music icon na muli siyang magbabalik-entablado.

Magtatangal siya sa broadway musical na may titulong “Here Lies Love” na tungkol sa buhay ng dating first lady na si Imelda Marcos.

Gagampanan niya ang papel bilang si Aurora Aquino, ang ina ni senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

At bukod sa pagiging performer, isa rin siya sa magiging broadway producer ng nasabing musical play.

Ang “Here Lies Love” ay mapapanood mula July 11 hanggang August 13.

Ilan lamang sa mga pinagbidahang broadway musical ni Lea ay ang “Miss Saigon” noong 1991 at “Les Miserables” noong 1993 at 2006.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lea may tips sa mga gustong maging singer; Alden, Jennylyn wagi sa 2nd VP Choice Awards

Lea Salonga tanggap nang hindi puro pambida ang iaalok sa kanyang project

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending