Kalat na: Nadine, James dinedma ang fan na gustong magpa-picture habang nasa beach

By Alex Brosas November 07,2018
share this

Kalat na: Nadine, James dinedma ang fan na gustong magpa-picture habang nasa beach

By Alex Brosas November 07,2018
share this

NADINE LUSTRE AT JAMES REID

MAY isang blind item sa isang popular website at nagkakaisa ang netizens na sina James Reid at Nadine Lustre ang tinutukoy dito.

The blind item is about a showbiz couple who went to a tourist destination sa South. Actually, noong una ay wala naming pumapansin sa dalawa. Busy kasi ang lahat sa pagtatampisaw sa beach. But one fan noticed them, got excited and tried her luck na magpa-picture sa couple.

But sorry na lang siya, hindi siya pinansin ng magdyowa and when she insisted, dinedma lang siya ng kanyang idols. Kitang-kita ng ilang locals and visitors ang ginawa ng JaDine kaya naman super turn off sila dito.

When it surfaced sa isang popular website, iisa lang ang hula nila. That the couple is Nadine and James.

Hindi lang naman kasi ilang beses silang nang-isnab ng fans. Not one, not twice, not thrice did they do it in the past kaya naman sila ang hula ng marami.

May dagdag pang clue na lalong nagpalakas ng kutob ng netizens na sina Nadine at James nga ang nasa blind item. Ang nakalagay kasi ay dapat maging very amiable ang couple all because flopsina ang kanilang projects at wala silang TV assignments ngayon dahil nga isinusuka sila ng production dahil marami silang arte at may attitude na.

“To be honest, ganyan lang yan pag magkasama yung dalawa. Kapag si guy lang makakapagpapicture ka.

Tapos eto nasa resort pa? Siyempre insekyora ang pangit pag walang makeup so no photos allowed.”
“Yeah, N and J, dati ng nabalita, their bad attitude talaga.”

“This is so true. my cousin also experienced this kind of snobbish attitude of them esp si girl, sobrang clingy niya kay guy na just a simple pic of someone na prettier than her, nagmamaldita na siya.”

‘Yan ang hanash ng mga netizens. Any comment, Jadine and Nadine? O dedma lang?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending