Neri Miranda super faney ni Lea Salonga pero hindi ginamit si Chito para makapagpa-picture | Bandera

Neri Miranda super faney ni Lea Salonga pero hindi ginamit si Chito para makapagpa-picture

Therese Arceo |July 18,2023
facebook
share this

Neri Miranda super faney ni Lea Salonga pero hindi ginamit si Chito para makapagpa-picture

Therese Arceo - July 18, 2023 - 04:01 PM

Neri Miranda super faney ni Lea Salonga pero hindi ginamit si Chito para makapagpa-picture
PROUD na ibinandera ng dating aktres na si Neri Miranda ang kanyang paghanga sa international singer-actress na si Lea Salonga.

Matatandaang trending at usap-usapan ngayon si Lea matapos mag-viral ang video nito kung saan tinatanggihan niya ang request ng fans na magpa-picture. Nagulat kasi siya nang makarating ang mga ito sa kanyang dressing room para magpa-picture gayong off-limits ang lugar at ipinaliwanag niyang hindi dapat ito ginawa ng fan dahil personal space niya ang naturang lugar at wala rin naman ang mga ito sa guest list niya. Napagbigyan pa rin naman ang hiling ng netizen pero sa ibang spot ito at hindi sa kanyang dressing room.

Sa gitna ng isyung kinakaharap ng singer ngayon sa social media ay nagpakita ng suporta si Neri at ibinahagi ang kanyang kwento ukol sa Broadway diva.

Sa kanyang Facebook page ay ibinandera ni Neri kung gaano kabait at kagiliw si Lea pagdating sa kanyang mga tagahanga na taliwas sa nais ipakita ng netizen na nag-upload ng kanyang video.

“I LOVE LEA SALONGA. Grabe pagka-fan ko kay Lea Salonga. Lahat ata ng nakakakilala sa akin personally, maka-Lea talaga ako,@ panimula ni Neri.

Pagpapatuloy niya, “Nung nanood kami ng concert n’ya at sinama ako ng asawa ko. Nagkaroon kami ng chance na magpapicture sa kanya. Pero hindi kami pumunta sa dressing room nya. Naghintay kami sa gilid ng stage, waiting for her na magpalit ng casual attire kase naka gown sya nun.”

Chika pa nga ni Neri, kahit kakilala daw ng kanyang asawang si Chito Miranda ang kanyang idol, hindi niya naisip na gumamit ng koneksyon para mapalapit agad rito.

Baka Bet Mo: Neri Naig ‘ngiting tagumpay’ sa natapos na final paper: ‘Sana maka-graduate na ako next year!’

“Kahit kakilala ni Chito si Ms Lea, never syang nag insist na pumasok kami sa dressing room nya,.Or kinulit si Sir Gerard Salonga na papasukin kami sa dressing room ng kapatid nya. Naghintay kami kasama ng iba pang gustong magpapicture kay Ms Lea,” lahad pa ni Neri.

Lahat raw nf mga fans na naroon ay in-accommodate ng singer a malugot ang mga itong naghihintay ng kanilang oras para makapagpa-picture:

“Pagkalabas naman nya, inisa-isa nya lahat ng gustong magpapicture sa kanya. And hindi lahat ng andun ay artista or producers, lahat ng andun mga fans na nanood ng concert nya na naghihintay ng turn na makapagpapicture sa nag iisang Lea Salonga,” kwento pa ni Neri.

Pinaallahanan nga niya ang mga netizens na maging “nice” sa ibang tao.

Samantala, ibinahagi rin ni Neri ang larawan nilang kuha noong August 2019.

“Dalawang beses akong niyakap ni Ms. Lea!!!!!! Grabe! Feeling ko magbff na kami! Tapos pupunta siya sa bahay tapos paglulutuan ko siya ng lahat ng gusto niya tapos magkukwentuhan kami tapos magjo-joke ako tapos tawang tawa siya sa joke ko. May senaryo na di ba? Bwahaha!

“National artist. Living legend. National gem. Hero. Ano pa ba? Napakahusay! Mas lalo kang magiging proud to be Pinoy dahil kay Ms. Lea Salonga. Maraming salamat po. Marami po kayong Pilipino na napapasaya lalo na po sa inyong talento,” sey ni Neri sa caption.

“Yan lang pinakamatino kong picture kase nanginginig ako, hahaha!” dagdag pa niya.

Related Chika:
Neri Miranda 10 na ang negosyo: Naranasan kong maglako ng mga ulam, magtinda ng barbecue at nag-alaga rin ako ng baboy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Neri Miranda gumawa ng weekly meal menu para mapadali ang buhay ng mga nanay, pero sey ng netizen: ‘Para lang yan sa mapepera’

Paalala ni Lea sa fans sa gitna ng viral video sa dressing room: ‘Just a reminder…I have boundaries, do not cross them’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending