Neri Naig ‘ngiting tagumpay’ sa natapos na final paper: ‘Sana maka-graduate na ako next year!’
MUKHANG malapit-lapit nang matapos ng actress-businesswoman na si Neri Naig ang kinukuhang masteral.
Para sa mga hindi pa masyadong aware, nag-aaral ngayon ang aktres at tinatapos ang Master’s Degree in Business Administration (MBA).
Nagkaroon ng latest update si Neri patungkol diyan at proud niyang ibinalita sa social media na may natapos na siyang final paper sa isa niyang subject.
Wika niya sa caption,“Ngiting Tagumpay dahil natapos ko na yung final paper sa isang subject ko for this sem!”
Nabanggit pa niya na isang semester nalang ang kanyang kailangan at pwede na siyang maka-graduate.
“One last major subject na lang next sem at tsaka thesis at defense, makaka-graduate na ako next year! Sanaaaaa!,” sey niya.
Sambit pa niya, “Yes, may salamin na rin ako at malapit na rin akong magkwarenta [grinning face with sweat emoji].”
Baka Bet Mo: Neri Miranda pinatatakbo ng mga kapwa-misis sa susunod na eleksyon; nag-donate ng mga timba, basurahan sa paaralan
View this post on Instagram
Napa-comment naman ang maraming netizens at lubos nilang pinuri si Neri.
Narito ang nabasa namin sa comment section:
“Congrats Miss Neri, sana graduate na next year para proud si papa Chito [clapping hands emoji].”
“Saludo sa’yo. Aside from being very pretty, you are a superwoman! [red heart emojis]”
“Goodluck po sa thesis at defense. ang sarap po matapos ang MBA.”
Matatandaang noong nakaraang taon ay nagtapos si Neri sa University of Baguio matapos kuhain ang alternative education program na SBAA ETEEAP.
Taong 2020 naman nang matapos niya ang online program na handog ng Harvard Business school.
Bukod sa pag-aaral, pinagkakaabalahan din ng aktres ang kanyang mga negosyo, kabilang na ang gourmet tuyo at condo rental by the sea.
Related Chika:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.