Isabelle naloka nang ma-scam ang ina sa online shopping

Isabelle Daza naloka nang ma-scam ang inang si Gloria Diaz sa online shopping, puro tissue paper ang pinadala

Pauline del Rosario - June 29, 2023 - 12:12 PM

Isabelle Daza naloka nang ma-scam ang inang si Gloria Diaz sa online shopping, puro tissue paper ang pinadala

PHOTO: Instagram/@isabelledaza

WALA talagang pinipili ang mga epal na scammers, biruin niyo, pati ang dating beauty queen at batikang aktres na si Gloria Diaz ay nabiktima rin!

Chinika ‘yan mismo ng kanyang anak na aktres na si Isabelle Daza sa pamamagitan ng Instagram Stories.

Ibinandera ni Isabelle ang nakuhang package ng kanyang nanay mula sa online shopping app na Lazada.

Kwento pa ng aktres, imbes na produkto na inorder ay puro tissue paper ang naging laman nito.

“My mom just ordered something from Lazada and was scammed,” sey sa caption ni Isabelle.

Ani pa niya, “What arrived was tissue paper.”

Tila hindi makapaniwala ang anak ni Gloria at tinanong pa ang madlang pipol kung madalas ba ito nangyayari sa Lazada.

Baka Bet Mo: Gloria Diaz inalmahan ang pagsali ng mga single moms, married women, transwomen sa Miss Universe: ‘Dapat may sarili silang contest’

Sa iba pang IG Stories ni Isabelle ay makikita ang ilang mensahe ng netizens na ibinahagi ang kanilang karanasan matapos ma-scam.

Sabay tanong pa ng aktres, “How do we prevent these type of scams?”

Sa panahon ngayon, tila dumadami na talaga ang scammers online at Iba-iba na rin ang mga nagiging diskarte nila.

Bukod sa pekeng delivery, may ilang gumagawa pa ng pekeng endorsement ng produkto upang makakuha ng customers.

Tulad ng nangyari kila Megastar Sharon Cuneta, batikang aktor na si Tirso Cruz III, talent manager na si Ogie Diaz at marami pang celebrities na ginagamit ang kanilang pangalan at litrato para makabenta.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Heart umariba na naman ang kasosyalan, hirit ng netizens: Jusko! Mas mahal pa yung tissue kesa sa buhay ko!

Maxene may 3 tips para labanan ang nararamdamang sakit: ‘Write down everything that caused your pain, burn the paper and then let it go’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending