Gloria Diaz inalmahan ang pagsali ng mga single moms, married women, transwomen sa Miss Universe: 'Dapat may sarili silang contest' | Bandera

Gloria Diaz inalmahan ang pagsali ng mga single moms, married women, transwomen sa Miss Universe: ‘Dapat may sarili silang contest’

Therese Arceo - May 04, 2023 - 09:12 PM

Gloria Diaz inalmahan ang pagsali ng mga single moms, married women, transwomen sa Miss Universe: 'Dapat may sarili silang contest'

Gloria Diaz. PHOTO: Facebook/Tatak Pelikula

HINDI sang-ayon ang Miss Universe 1969 na si Gloria Diaz sa pagsali ng mga babaeng kasal, may anak, at mga transwomen sa presitihiyosong Miss Universe pageant.

Sa kanyang ambush interview na uploaded sa YouTube channel ng Push noong Martes, May 2, inilabas niya ang kanyang opinyon na dapat ay huwag sumali ang mga ito dahil tila hindi na align sa pangalan ng naturang patimpalak kung magdyo-join ang mga ito.

“Edi dapat, ‘Universe’  na lang, huwag nang ‘Miss.’ Kasi, hindi na ‘Miss’ yon, ‘di ba? Dapat ‘Universe’,” saad ni Gloria.

Paglilinaw naman ng actress-beauty queen, ito ay pawang opinyon nya lang at para sa kanya, dapat magkaroon ng sariling contest para sa mga ito.

“[M]y personal opinion—which is not to be taken in the negative way—dapat may sarili silang contest. May Mrs. Universe, may Lesbian Universe, may Tranny Universe,” pagbabahagi ni Gloria.

Dagdag pa niya, “There is room for so much. Oo, mga category na ganoon, ganyan. Tapos, kasi even sa Mrs. Universe, andaming magaganda diyan na nanganak na. Ok lang yun.”

Chika pa ni Gloria, dapat raw talaga ay kanya-kanya para mas maraming chance na magwagi ng title ang bansang inire-represent nito.

“Dapat kanya-kanya! O sige, di at least it gives people more chances, di ba? Kasi, you’re representing this country. Eh, kung may mas magandang babae, o mas magandang tranny… mas mahirap kalaban ang tranny,” sey ng beauty queen-actress.

Baka Bet Mo: Gloria Diaz tinanong si Zanjoe Marudo kung gusto rin ng bagong ‘toy’: You will like it!

Ibinahagi rin niya na minsan siyang naging judge ng isang beauty pageant para sa mga transwomen ng “Eat Bulaga”.

“Kasi I’ve been a judge sa Super Sireyna. Ang gaganda talaga nila! At talagang palaban. Kaya nilang magsirku-sirko diyan, di ba?” sey pa ni Gloria.

Naglabas rin siya ng pahayag noong may sumaling transwoman sa Miss Universe.

Lahad ni Gloria, “Ahhh… parang it’s not… hindi kuwan. hindi too acceptable sa akin. Kasi dapat may sarili silang contest. Not that I’m ostracizing them, but they’re good in some things, eh.

“Kung sa talent portion lang, eh, the regular Miss Universe does not really have talent, di ba?”

Matatandaang noong Setyembre 2022 nang binuksan ng Miss Universe ang pinto nito para sa mga may asawa at may anak na mga kandidata.

Si Gloria Diaz ang kauna-unahang Pinay na nagwagi ng korona sa Miss Universe noong 1969.

Samantala, may tatlong single mothers na kandidata sa Miss Universe Philippines na sina Eileen Gonzales, Clare Dacanay, at Joemay-An Leo.

Magaganap ang coronation night ng Miss Universe Philippines aa Mall of Asia Arena sa May 10.

Related Chika:
Gloria Diaz na-challenge sa comeback film, palaban sa ‘pokpok’ role: ‘I want to be the best, believable!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gloria Diaz rarampa sa US TV series na ‘Insatiable’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending