Gloria Diaz na-challenge sa comeback film, palaban sa ‘pokpok’ role: ‘I want to be the best, believable!’
LABAN kung laban ang dating beauty queen at batikang aktres na si Gloria Diaz sa kanyang karakter sa bagong pelikula.
Pinagbibidahan niya ang “Lola Magdalena” na kung saan ang kanyang role ay ang pagiging albularyo sa umaga at pokpok naman sa gabi.
Sa pamamagitan ng Instagram, ibinandera ni Gloria ang poster ng kanyang comeback film.
Makikita na makakasama niya sa pelikula ang ilan pang veteran stars na sina Perla Bautista, Pia Moran, Liza Lorena, pati na rin ang aktres na si Sunshine Cruz.
Ayon pa kay Gloria, ang iba’t-ibang emosyon ang mararamdaman ng manonood dahil ito ay may drama at comedy.
Caption niya sa IG post, “My new movie playing an aging /aged healer and woman of the night [laughing emoji] drama ,sad, comedy!”
Baka Bet Mo: Gloria Diaz tuwang-tuwa sa bagong ‘toy’: Oh, it vibrates very fine and then faster…faster! Grabe!
View this post on Instagram
Ibinalita naman ng TV Patrol na nagsisimula na ang taping ng nabanggit na comeback film at ‘yan ay isinasagawa sa Bulacan.
Sa naging interview, inamin ni Gloria na nahihirapan siya sa kanyang role bilang matandang pokpok.
“I was scared. Kasi ang feeling ko, parang takot ako dahil baka hindi ko makaya. It’s difficult,” sey niya.
Chika pa niya, “Hindi na bale ang healer kasi kaya mo ‘yan e, pero wala naman akong good friend na makakaturo, na makaka-expose sa akin kung paano ‘yung matandang pokpok.”
“I want to be the best. I want to be believable. I don’t want anybody to think of me as ‘Gloria Diaz.’ That’s the biggest insult,” aniya.
Matatandaang huling lumabas sa telebisyon si Gloria noong nakaraang taon lamang sa Kapamilya teleserye na “2 Good 2 Be True” na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Related Chika:
Jennylyn Mercado game na game na sa kanyang showbiz comeback: Naghahanda na ako!
Dimples Romana naging beauty queen muna bago sumikat sa showbiz; kinoronahan ni Gloria Diaz
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.