Dimples Romana naging beauty queen muna bago sumikat sa showbiz; kinoronahan ni Gloria Diaz
Dimples Romana
KNOWS n’yo ba na bago nakilala bilang award-winning character actress si Dimples Romana ay naging beauty queen muna siya?
Viral ngayon ang mga litrato ng Kapamilya star at “Viral Scandal” actress sa social media na kuha sa sinalihan niyang beauty pageant mahigit dalawang dekada na ngayon ang nakararaan.
Ibinahagi ng Parañaque Tourism Official sa kanilang Facebook page ang mga throwback photos ni Dimples o Dianne Marie Romana sa tunay na buhay suot ang kanyang gown at korona.
Base sa caption ng nasabing FB post, si Dimples ang kauna-unahang Binibining Parañaque na naganap noong 2000.
Itinanghal siya bilang Binibining Parañaque representing Barangay Sun Valley na ginanap noon sa St. Paul College of Parañaque.
In fairness, talagang naging extra special pa ang naganap na grand coronation dahil ang first ever Filipina Miss Universe na si Gloria Diaz ang nagkorona sa Kapamilya actress.
View this post on Instagram
At alam n’yo rin ba na noong taong yun, ang aktor na si Joey Marquez ang nakaupong mayor ng Parañaque na nakakatrabaho na rin ngayon ni Dimples sa mga programa ng ABS-CBN.
Kung kinarir siguro ni Dimples ang pagsali sa mga national pageant, baka may naiuwi rin siyang international crown tulad nina Gloria Diaz, Melanie Marquez, Pia Wurtzbach, Catriona Gray at iba pang Pinay beauty queens.
Sa ngayon super happy naman si Dimples sa piling ng asawang si Boyet Ahmee with their two kids na sina Callie at Alonzo.
https://bandera.inquirer.net/296214/dimples-ibabandera-ang-pinagdaraanan-ng-mga-ofw-hindi-sine-censor-ang-socmed-ng-anak
https://bandera.inquirer.net/279469/dimples-romana-24-years-na-sa-showbiz-may-promise-sa-mga-batang-artista
https://bandera.inquirer.net/289385/gloria-hidilyn-memes-viral-na-sa-socmed-pati-si-ogie-nadamay-buenas-diaz-in-diaz-we-trust
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.