Neri Miranda pinatatakbo ng mga kapwa-misis sa susunod na eleksyon; nag-donate ng mga timba, basurahan sa paaralan | Bandera

Neri Miranda pinatatakbo ng mga kapwa-misis sa susunod na eleksyon; nag-donate ng mga timba, basurahan sa paaralan

Ervin Santiago - July 13, 2023 - 06:26 AM

Neri Miranda pinatatakbo ng mga kapwa-misis sa susunod na eleksyon; nag-donate ng mga timba, basurahan sa paaralan

Neri Miranda

MARAMI ang nanghihikayat ngayon sa actress-entrepreneur na si Neri Miranda na subukan na ring pasukin ang mundo ng public service at politika.

In fairness, bukod sa pagtulong sa maliliit na negosyo at sa mga nanay na gustong umasenso, aktibo rin si Neri sa public service dahil sa ginagawa niyang pagtulong sa mga nangangailangan nating kababayan.

Napakarami nang natulungan ng wifey ni Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda hindi lamang mga indibidwal na nangangarap magkaroon ng magandang buhay kundi pati na rin mga eskwelahan at mga estudyante.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda)


Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ni Neri ang bagong project na naisip niya para sa mga paaralan, lalo pa’t malapit na naman ang pasukan.

Ipinost niya ang litrato ng mga drum na ipamimigay niya sa mga napili nilang school sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Aniya sa caption, “Good morning, mga Ka-Wais!

“Magdonate pala tayo ng mga basurahan, timba, at drums para sa mga school. Magpapasukan na naman pala this August kaya magdonate tayo sa mga eskwelahan,” mensahe ni Neri.

Umaasa raw siya na mabigyan pa ng karagdagang resources para magtuluy-tuloy ang kanyang back-to-school project.

“Sana maraming school pa tayong mabigyan. Kaya more kayod pa para maging blessing pa tayo sa ibang tao.

“Kaya tara na at magtrabaho para makapag ipon sa pamilya at kahit papaano makapagshare ng biyaya galing sa Diyos.

“Next na ido-donate natin, tv para sa daycare! Ipon ipon ulit,” pahayag pa ng aktres at matagumpay na negosyante.

Baka Bet Mo: Chito muling pinuri ang asawa: Napakaganda ni Neri, medyo weird, pero sobrang bait!

Kanya-kanya namang hiling ang mga netizens na sana’y matulungan din ni Neri ang kanilang paaralan at ang iba pa nga’y hinikayat siyang tumakbo sa susunod na eleksyon.

“Sana sa school din po namin sa Gadungan ES sa Maguindanao Ms. Neri.”

“Hi Ma’am Neri, hopefully ma-orient din po ang mga recipients regarding proper solid waste management para po ma-utilize ng maayos ang mga basurahan.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda)


“Wow sana makarating ang tv donation dito s dasma.”

“You should run for government office Neri.”

“Blessed day po Ma’am, sakto po nitong Brigada Eskwela. Sana maging beneficiary niyo ang San Aurelio Elementary School, Balungao, Pangasinan. Maraming Salamat po.”

“Hello Ms. Neri hoping po ma-consider ang Nayong Kalikasan Elementary School, Calintaan ,Occidental Mindoro po. God Bless po.”

“Hello po dito naman po sa Mindanao Zamboanga del Norte Napuyan Elementary School.”

“Ms Neri pls consider Anapog Integrated School Anapog San Remigio, Cebu.”

“Siguradong mananalo ka kapag tumakbo ka next elections. Ikaw ang magiging representative ng mga wais na nanay sa gobyerno.”

Chito tuwang-tuwa sa mga nahuli nilang isda ni Neri: Medyo feeling mo nilibre ka ni God

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kris Bernal nagpasalamat sa pagmamahal ng asawa: Kahit madalas matigas ang ulo ko at pasaway

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending