Chito inabuso ang katawan: Walang paki sa health dati, rakenrol eh!
KINAKARIR ng OPM icon na si Chito Miranda ang pagwo-workout at ang tamang pagkain upang mapanatili ang kanyang maayos na kalusugan.
Ibinandera ng Parokya ni Edgar frontman ang mga ginawa niyang pagbabago at pag-a-adjust sa kanyang nakagawiang lifestyle dahil gusto pa niyang humaba ang kanyang buhay.
Sey ni Chito, kailangang mapanatili niyang healthy ang sarili para matagal pa niyang makasama ang asawang si Neri Miranda pati na ang kanilang mga anak.
Ipinagmalaki ng singer-songwriter ang kanyang fit na katawan (talagang nag-topless ang husband ni Neri) sa Instagram na may caption na, “Flex no.1.
Baka Bet Mo: Kris Aquino alam na ang kanyang ‘worth’, ‘best role model’ ang yumaong ina
“Magyayabang lang ako ng konti kasi proud talaga ako sa sarili ko, and hopefully maka-inspire din ako sa mga katulad kong nais maging healthy para sa pamilya’t sarili nila, lalo na’t alam ko na bad influence ko dati pagdating sa pag yosi at inom.
“Anyway, 49 na ko in less than 3 months, and not including yung mukha ko (unahan ko na kayo), I think I look pretty decent for a 48 year old na abusado sa katawan buong buhay nya.
“Wala talaga ako paki sa health ko dati….rakenrol eh.
“Total wreck talaga,” ang pag-amin pa ni Chito.
View this post on Instagram
Hanggang sa magdesisyon na siya na baguhin ang kanyang lifestyle, “Now I exercise regularly, I eat healthy, sleep early (whenever possible).
“Sobrang minsan nalang ako uminom, at kung uminom man ako, sobrang konti nalang, at di na talaga ako nagyoyosi.
“Na-achieve ko lahat ng target levels ko sa labs (sugar, cholesterol, etc…pati blood pressure ko, ideal), and I feel healthier than ever.
“Pag tumatanda ka na, eto na yata talaga yung mga fini-flex mo,” pahayag pa ni Chito Miranda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.