Neri type sumabak sa ballroom dancing ala-Lucy Torres: Life peg

Neri Miranda type sumabak sa ballroom dancing ala-Lucy Torres: Life peg!

Ervin Santiago - October 27, 2024 - 07:00 AM

Neri Miranda type sumabak sa ballroom dancing ala-Lucy Torres: Life peg!

Neri Miranda a tLucy Torres-Gomez

“HAPPY wife, happy life!” Ganyan kung ilarawan ng aktres at matagumpay na negosyanteng si Neri Miranda ang kanyang buhay ngayon.

Isa sa mga talagang nagpapaligaya sa kanya, bukod sa asawang si Chito Miranda at ang kanilang mga anak, ay ang kanyang garden na punumpuno ng mga tanim na gulay.

Sa isa niyang Instagram post, nagkuwento si Neri ng latest chika about her garden o mini-farm, kabilang na ang mga bago niyang pananim kung saan nakasama rin niya ang mga anak para sa isang planting session.

Baka Bet Mo: Jennylyn, Dennis ikinasal na, sumumpa sa isa’t isa: Forever, you and me!

Aniya sa caption ng kanyang garden photos and video, “At dahil walang pasok ang mga bata kanina at di naman natuloy ang ulan sa amin.. nag gardening ako at sinamahan ako ng mga bata…

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda)


“Ayun tuwang tuwa sila na naghahawak ng lupa at bulate!” simulang pagbabahagi ng waist na misis ni Chito.

“Nagtanim din pala ako ng corn kanina para after 3 months, may aanihin na kaming mais. Yung puti yung tinanim ko kase mas healthy sya at mababa kase ang sugar nya kumpara sa yellow corn.

“Gusto ko rin magtanim ng ampalaya at pampababa ng sugar yun. Alam nyo na kapag tumatanda na, ang pagfflex nyo sa bahay at kwentuhan kung gaano kababa ang sugar at cholesterol nyo,” pagpapatuloy pa ni Neri.

Ibang klaseng kaligayahan din daw kasi ang naibibigay sa kanya ng pagtatanim at pagha-harvest, kaya naman talagang adik na adik na siya sa gardening.

“Basta masaya ako kapag nasa garden, kahit makapal na yung putik ng tsinelas ko.. buti na lang at hinahayaan na ako ng asawa ko na ‘maglaro’ sa playground ko, ayun nga ang aking garden.

“May nabili na naman akong lagayan ng seeds ko! Ang ganda! Share ko soon! Sabi ng asawa ko. Ilan ba raw kailangan kong lagayan ng seeds ko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda)


“Binalik ko ang tanong nya, ilan ba ang kailangan mong baril? Ayun, sabi nya, dapat di na ako nagsasalita, bumabalik sa kanya! Happy wife, happy life!” chika pa ng successful entrepreneur.

Sa huling bahagi ng kanyang post ay parang type din niyang subukang mag-ballroom dancing para maiba lang.

“Buti nga gardening ang libangan ko eh. Gusto ko ngang i-try yung sewing kaso di talaga ako magaling dun.

“I remember nu’ng 2nd yr high school ako, sa T.H.E. class, need naming magtahi ng bear, yung nagawa ko, di pantay yung ears at paws. Sabi ng nanay ko, nagkasakit ba bear mo? Haha!

“Gusto ko rin mag ballroom dancing ala Lucy Torres ha?! Ang ganda ganda nyang panuorin habang nagsasayaw tapos ang classy nya pa! Life peg.

“So ayun na nga ang kwento ni Neri habang nagtatanim. Very random. Kung ano ano ang kinukwento.

“Mukhang di tuloy bagyong Kristine sa Alfonso. Kung umuulan na sa lugar nyo, ingat po kayong lahat pati na rin po ang mga pets natin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ano nga ulit ang lulutuin ko bukas? Asan ba yung meal plan notebook ko,” pagbabahagi pa ni Neri Miranda.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending