Neri Miranda 10 na ang negosyo: Naranasan kong maglako ng mga ulam, magtinda ng barbecue at nag-alaga rin ako ng baboy | Bandera

Neri Miranda 10 na ang negosyo: Naranasan kong maglako ng mga ulam, magtinda ng barbecue at nag-alaga rin ako ng baboy

Ervin Santiago |November 22,2022
facebook
share this

Neri Miranda 10 na ang negosyo: Naranasan kong maglako ng mga ulam, magtinda ng barbecue at nag-alaga rin ako ng baboy

Ervin Santiago - November 22, 2022 - 07:01 AM

Neri Miranda 10 na ang negosyo: Naranasan kong maglako ng mga ulam, magtinda ng barbecue at nag-alaga rin ako ng baboy

Neri Miranda at Chito Miranda

IN FAIRNESS, “lodi” at inspirasyon talaga ang aktres at negosyanteng si Neri Naig-Miranda sa lahat ng mga working nanay.

Isa si Neri sa mga celebrity mom na nagtagumpay pagdating sa pagnenegosyo. Tinatawag na siya ngayong “Wais Neri” dahil sa dami ng matagumpay niyang mga business.

Sabi ni Neri sa bagong vlog ng news anchor na si Karen Davila, nagsusumikap at nagsisipag siya para sa magandang kinabukasan ng mga anak nila ni Chito Miranda.

“Ayaw kong maranasan ng mga anak ko ‘yung nangyari sa akin so talagang sobrang kayod ako.

“Growing up naman, hindi ko naramdaman kahit paano na mahirap na mahirap kami. Sa probinsya hindi naman kami namamalimos pero naranasan ko ‘yung lahat kaming magkakapatid hindi makakapasok kasi walang pamasahe,” pag-amin niya.

Pagbabalik-tanaw ng misis ni Chito, “Naranasan ko rin ‘yung maglako ng mga ulam, pero college na ako noon. Naranasan ko rin magtinda ng barbecue pagkatapos ng school. Nag-alaga ako ng baboy.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nerizza Miranda (@mrsnerimiranda)


“Kasi siyempre kailangan kong utangin ‘yung uulamin namin. Mine-memorize ko ‘yung sasabihin ko kasi ang haba ng listahan namin,” chika ni Neri.

Sabi naman ni Chito, isa yan sa mga qualities na nagustuhan niya sa kanyang asawa at kaya raw siya na-in love kay Neri nang bonggang-bongga.

“She’s always trying to improve herself. ‘Yun parati ‘yung napapansin ko sa kanya talaga, mas lalo na nung nalaman ko ‘yung humble beginnings niya and kung paano niya tinuruan ‘yung sarili niya when it comes to social grace.

“Kunyari fine dining, inaral niya by the book kung paano. I just found that amazing na ang hilig niya magbasa ng libro to improve everything that she thinks she can improve on,” pagbabahagi ng Parokya ni Edgar frontman.

Sa ngayon, may 10 business nang pag-aari si Neri kabilang na riyan ang mga restaurants, isang vacation house, salon at marami pang iba.

At ngayon pa lang ay may naipundar na rin sila ni Chito para sa kanilang tatlong anak, kabilang na ang mga condo unit.

Chito tuwang-tuwa sa mga nahuli nilang isda ni Neri: Medyo feeling mo nilibre ka ni God

Chito muling pinuri ang asawa: Napakaganda ni Neri, medyo weird, pero sobrang bait!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bettinna Carlos nabiktima ng bagyo at power outage: We thank the Lord na naranasan ‘to ng anak namin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending