Bettinna Carlos nabiktima ng bagyo at power outage: We thank the Lord na naranasan ‘to ng anak namin
APEKTADO ang dating aktres na si Bettinna Carlos pati ang pamilya nito sa nangyaring electricity at water outage dahil sa Typhoon Maring.
Mahigit isang araw rin kasi silang nawalan ng kuryente at supply ng tubig.
“After 2 nights may kuryente na kami. 34hrs is the longest we have gone without electricity and water in our faucet,” pagbabahagi ni Bettinna.
Aniya, kinakailangan nilang mag-igib sa poso para sa paghuhugas at magpaypay para makatulog. Kinailangan rin nilang gamitin kung ano available na puwedeng maging source of light para sa pagbabasa at pagluluto. Dagdag pa niya, kinakailangan na raw niya agad magluto ng dinner matapos ang breakfast habang maliwanag pa.
“This was an answered prayer actually na maranasan ni Gummy ang brownout parang nung bata kami ni Mikki. Walang generator. Ang difference lang ay dati flash light ngayon rechargeable shoot lights ni daddy.
“We thank the Lord na naranasan to ng anak namin. I know dasal ng mga magulang na dumaan sa challenges ang mga anak nila, big and small as opportunities to train them for life. Para tumibay sila. At matutuo. Na hindi lahat madali at laging convenient.
“Na ang mga bagay ay may hangganan at nauubos. Na dapat maging wise sa paggamit ng resources at hindi porque masagana ay parang unli itrato. Na hindi ka entitled to live comfortably. Na makita at mabilang ang mga biyaya sa lahat ng sitwasyon,” dagdag pa niya.
Nagpasalamat rin siya sa mga kaibigan na nag-offer sa kanila na ma-fully charge ang kanilang mga ilaw at laptops na ginagamit nila, sa bahay, trabaho, at pag-aaral.
Wala raw silang karapatan na sumimangot, uminda, o magreklamo. Marahil ay dahil sa kabila ng pagsubok na kinaharap nila ay may ibang tao pa rin na may mas higit na pinagdaraanan kaysa aa kanila.
“Walang karapatang sumimangot, uminda o magreklamo. Thank you Lord for the blessings of this brownout. Thank you that we can give thanks in all things. May You provide as well for others in more challenging situations,” pahabol pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.