Bettina Carlos enjoy sa buhay-promdi; P200 lang kada araw ang gastos ng pamilya sa pagkain
ENJOY na enjoy ang actress-TV host na si Bettina Carlos ang buhay-probinsya kasama ang pamilya ngayong panahon ng pandemya.
Masayang ibinandera ni Bettina sa madlang pipol ang kagandahan ng pamumuhay sa probinsya, lalo na ngayong patuloy pa rin ang banta ng COVID-19 sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Aniya, bukod sa sariwang hangin at magagandang tanawin sa probinsya, mas natuto rin siyang mag-budget para sa pang-araw-araw nilang gastos lalo na pagdating sa kanilang pagkain sa araw-araw.
Nag-share ang aktres ng mga kaganapan sa buhay nila sa isang lugar sa La Union sa pamamagitan ng Instagram.
Dito, nabanggit nga niya na gumagastos lamang siya ng P120 hanggang P200 para sa pagkain nilang pamilya.
“Lunes at Biyernes lang ang palengke… new local recipes to learn to make (nagpakbet at poqui-poqui ako this week.
“Next week try ko naman dinakdakan at dinengdeng)…mas marami kaming gulay na nakakain… 85% fish and vegg versus red meat,” simulang kuwento ng TV host.
Pagmamalaki pa niya, “Cute ang ref kaya di makapagstore like my usual load pag sa Manila… at kada meal freshly cooked… freshly baked din ang pandesal from the neighborhood bakery.
“AT AT AT gumagaling ako bilang budgetarian! My math oh come on (!!! lunch/dinner to feed 4 costs us P120-P200 only!” dugtong pa niyang chika.
Para naman sa agahan, umaabot lamang daw sa halagang P15 per person ang gastos nila, kasama na riyan ang itlog, malunggay pandesal at 3-in1 coffee.
“6pesos for 1 egg + malunggay pandesal 2pesos each + 3in1 coffee. O diba galing ko,” sey pa ni Bettina.
Dagdag pang pagbabahagi ng aktres, “Kanya kanyang laba ng damit at kamay… ikutan ng hugas ng pinggan… sa 711 ang date ng pangnetflix.”
Bukod dito, nag-post din siya ng video clip ng isang takure (kettle) habang nagpapainit ng tubig, “Gasul kalan. Poso. Timba at tabo. Sampayan sa garahe (at kita ng kapitbahay ang sinampay.)
“Takure… (baka bumili na rin ako ng thermos na de-pump or de salin. Old school). At marami pang iba na pwedeng dito lang mayroon o karaniwan dito. Albatross kaysa diffuser. Katol kaysa off lotion. Luffa…
“Theyre all new to me and different but not necessarily bad. Not a downgrade, just what this place has. And you know Im not only enjoying, Im embracing it. This. Now.”
“The more simple and the more basic our things and way of life is now, the more I realize I have been living in excess. Kaya naman pala ng ganito kapayak… and infact mas masaya kami. Mas masaya ako.
“Salamat Panginoon. You teach us spiritual things through our physical world.”
S
ey pa ni Bettina, buti na lang daw ay nagdesisyon agad ang asawa niyang si Mikki Eduardo na pumunta sila sa probinsya para doon muna manirahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.