Kyle inaming may boundaries sila ni Francine; may pasaring nga ba sa SethDrea? | Bandera

Kyle inaming may boundaries sila ni Francine; may pasaring nga ba sa SethDrea?

Therese Arceo |October 29,2021
facebook
share this

Kyle inaming may boundaries sila ni Francine; may pasaring nga ba sa SethDrea?

Therese Arceo - October 29, 2021 - 05:09 PM

Kyle inaming may boundaries sila ni Francine; may pasaring nga ba sa SethDrea?

KUMAKALAT ngayon sa social media ang usapan ng ilan sa mga celebrity housemates na sina Kyle Echarri, Chie Filomeno, at TJ Valderrama patungkol sa pakikipag-love team.

Marahil ay curious si TJ kung ang mga nagiging magkapareha on screen ay nagiging mag-dyowa rin talaga in real life gaya na lamang ng mga kilalang love teams na KathNiel, LizQuen, at JaDine.

“Pag love team ba nagiging ano (mag-dyowa)?” tanong ni TJ.

“Depende ‘yun sa inyo,” sagot naman ni Kyle.

Sinang-ayunan naman ‘yun ni TJ at sinabing may mga artists pa rin talaga na nananatiling professional lang sa trabaho.

“Kami ng ka-love team ko, [we are professional]. Wala, e. Kasi pag nag-aaway kayo mahirap e,” pagbabahagi ni Kyle.

“Buti hindi siya na-fall sa ‘yo?” singit naman ni Chie.

“Oh, no. We made sure na may boundaries,” sagot ni Kyle.

Pinuri naman nila Chie ang pagiging professional ng dalawa.

“That’s nice kasi baka sabihin paasa ka,” sambit naman ni Sam Bernardo.

Mukhang may hugot naman si TJ ng sinabi niya na “Sana all alam ‘yung boundaries.”

“Basta you make sure na your intent is clear. Sabihin mo agad kung anong kailangan mong sabihin,” sey ni Kyle.

Agree namang muli sila Chie at TJ.

Tinanong naman ni Chie kung inaalagaan ni Kyle ang kanyang loveteam at sinagot niya ito ng oo. Ang tinutukou na love team ni Kyle ay si Francine Diaz.

“Both naman kayong magbe-benefit sa decision niyo,” sabi ni TJ.

“Tsaka pag nakita ng fans na nag-aalagaan kayo, okay na ‘yun for them,” dagdag naman ni Chie.

Nakwento rin ni Kyle na may mga nakikita siyang magka-love team na panay ang awayan.

“May nakikita akong love team, laging nag-aaway. Ang hirap. Ang hirap nilang katrabaho,” muling kwento ni Kyle.

Kinuwento rin ni TJ ang kanyang naging karanasan kung saan may mag-dyowa at magka-love team na nag-away habang nasa set sila ng dati nilang show dahil sa selos. Dumating pa raw sa punto na mismong boss na ang lumapit sa dalawa para sabihan itong umayos.

“Yeah, selos! Selos nang selos! Wala namang kailangan [ipagselos]. It’s just like the insecurities of each other. You were in a relationship, make sure that you are sure about each other kasi mukhang hindi.

“Ang tagal nilang dalawa. So ako ‘yung taga-ayos minsan kasi gusto ko nang magtrabaho nang maayos,” hugot ni Kyle.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by THE GOLD SQUAD | SquadPlus (@thegoldsquad_official)

Marami tuloy sa mga netizens ang nagtatanong kung ang kasabayan nitong love team at kasama sa Gold Squad na sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin nga ba ang pinatutungkulan nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lalo na’t ang SethDrea na tambalan nina Andrea at Seth ang madalas nilang makasama sa trabaho magmula nang pumatok sila sa teleseryeng “Kadenang Ginto”.

Well, hindi masasagot ang mga tanong ng netizens lalo na’t walang contact sa outside world si Kyle dahil na rin sa rule sa “Pinoy Big Brother”.

Related Chika:
Kyle Echarri inihanda ng pandemya para mas maging palaban sa buhay
Enchong parang pari rin sa totoong buhay; Kyle enjoy sa pagiging kontrabida

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending