Enchong parang pari rin sa totoong buhay; Kyle enjoy sa pagiging kontrabida | Bandera

Enchong parang pari rin sa totoong buhay; Kyle enjoy sa pagiging kontrabida

Reggee Bonoan - April 06, 2021 - 05:51 PM

IBANG-IBANG Kyle Echarri ang napapanood sa teleseryeng “Huwag Kang Mangamba” bilang si Rafa Advincula dahil hindi siya good boy dito kumpara sa karakter niya sa “Kadenang Ginto” as Tope.

Aniya, “Ako, medyo nagbago ang character ko nang kaunti. I’m not the super-super good boy anymore. Si Kristoff po kasi ‘yung tipong kahit na ang sama ng ginagawa sa kanya ay ang bait pa rin niya sa tao. Pero itong si Rafa, may pinagdaanan po kasi, so, may ibang character na makikita rito.”

Apo si Kyle ng karakter ni Noni Buencamino at kapatid niya si RK Bagatsing na mga pulitiko.

Say ng binata, “He’s (Rafa) part of a political family pero ayaw niya sa politics. Malalaman ninyo kung bakit ayaw niya sa politics. May malalim na hugot iyan, eh.”

Kasama ni Kyle sa “Huwag Kang Mangamba” ang kapwa niya Gold Squad members na sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin at Francine Diaz.

Kaya kahit kontrabida si Kyle sa “HKM” ay gustung-gusto raw niya dahil challenging nga naman ito para sa kanya.

Puring-puri rin ng binatilyo sa serye sina Francine at Andrea, “Alam naman nating lahat na napakagaling po nilang dalawa. They are very good artists and I am happy that siyempre as a co-actor, as a co-star, as a friend, maipakita nila ang other side, kung ano pa ang kaya nila.”

* * *
Bagay naman kay Enchong Dee ang karakter niyang Padre Sebastian sa “Huwag Kang Mangamba” dahil bukod sa good boy talaga siya sa totoong buhay ay maaliwalas ang awra niya bilang pari.

Sa kuwento, nagbibigay ng mga payo si Enchong sa mga kabarangay niya na siya ring napapanood sa kanyang YouTube channel dahil nagbabahagi rin siya doon ng tips pagdating sa paghawak ng pera at kung paano ito palalaguin bilang nakilala siyang friendly budgetarian.

Pawang positibo lahat ang mapapanood sa YT ng aktor kaya naman isa kami sa natutuwang panoorin ito lalo sa mga payo niya pagdating sa pagnenegosyo.

“Hindi siguro kasing sipag ng nangyayari ngayon kasi talagang pinag-iisipan ko, nilalagyan ko ng puso at isipan ko kung anuman ang nilalagay ko sa vlog ko, because it is clear to me what I want to show to people and what I want to share with people. Siguro ‘yun lang ‘yung difference,” pahayag ng aktor.

Sabi nga ni Enchong, “Siguro isa rin ito sa mga blessing na natanggap ko kasi ‘yung role ni Fr. Sebastian ay nadadamay ako. Minsan nakukuha ko ‘yung positivity at energy ni Fr. Seb na kahit si Enchong, kahit nabubuwisit ay parang hindi.

“Siguro ‘yun din ang dahilan kung bakit I was able to look after other people or focus my energy on other people, because I know that my situation is okay,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gabi-gabing napapanood ang “Huwag Kang Mangamba” sa A2Z, TV5 at Kapamilya online mula sa Dreamscape Entertainment.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending