Vice Ganda inalala ang dating bahay na may butas ang bubong

Vice Ganda inalala ang dating bahay na may butas ang bubong, netizens relate na relate ngayong tag-ulan

Pauline del Rosario - July 16, 2023 - 01:32 PM

Vice Ganda inalala ang dating bahay na may butas ang bubong, netizens relate na relate ngayong tag-ulan

PHOTO: Instagram/@praybeytbenjamin

DAHIL sa bagyong Dodong, biglang nag-alala ang TV host-comedian na si Vice Ganda sa mga taong kailangang magtiis sa mga bahay na may butas ang bubong.

Ayon sa komedyante, bigla niya ito naisip dahil siya raw mismo ay nakaranas ng ganitong klaseng kalagayan noon.

“Umuulan na naman. Kawawa na naman ang mga butas ang bubong,” sey niya sa isang Twitter post.

Kwento pa niya, “I remember the days. Nagkalat ang mga nakaabang na palanggana at garapon sa bahay namin pang sapo ng tulo.”

“Imverna ang madir,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Vice Ganda ibang-iba kay Awra Briguela, sey ni Cristy Fermin: ‘Alam niyang ilagay ang alak sa tiyan, hindi sa ulo’

Relate na relate naman ang maraming netizens at ang ilan ay nagbahagi pa ng pictures upang ipakita ang kanilang sitwasyon sa kanilang bahay.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“Kapag umuulan may halong takot. Minsan ‘di pa makatulog dahil sa butas ng bubong at pagpasok ng tubig sa bahay.”

“True yan, meme. Ultimo mga kaldero na pwedeng magamit pangsahod sa tulo ng ulan sa bahay. Sapalaran talaga but still, thankful pa rin dahil kahit paano may nasisilungan.”

“Habang binabasa ko ‘to, nagsasahod ako ng timba sa basang-basa na kisame.”

Magugunitang nagdulot ng matinding pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon nitong nakaraang linggo.

Sa ngayon naman ay nakalabas na sa bansa ang Bagyong Dodong.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maui Taylor inamin ang dahilan kung bakit kasama pa rin ang ex-partner sa iisang bubong

Janine: 1 taon nang nagtitiis ang mga Pinoy tapos ang payo mo ay magtiis pa rin at wag magreklamo?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending