Tyang Amy ibang-iba ang feeling kapag nasa 'It's Showtime': 'Nakakabata! Lalo na 'yung nakikita mo ang energy ng madlang pipol' | Bandera

Tyang Amy ibang-iba ang feeling kapag nasa ‘It’s Showtime’: ‘Nakakabata! Lalo na ‘yung nakikita mo ang energy ng madlang pipol’

Ervin Santiago |July 19,2023
facebook
share this

Tyang Amy ibang-iba ang feeling kapag nasa ‘It’s Showtime’: ‘Nakakabata! Lalo na ‘yung nakikita mo ang energy ng madlang pipol’

Ervin Santiago - July 19, 2023 - 07:09 AM

Tyang Amy ibang-iba ang feeling kapag nasa 'It's Showtime': 'Nakakabata! Iba 'yung nakikita mo ang energy ng madlang pipol'

Boy Abunda at Amy Perez

FEELING bagets palagi ang TV host-actress na si Amy Perez kapag nasa “It’s Showtime” dahil fun-fun-fun lang ang kanilang pinaggagawa sa programa.

Naniniwala si Tyang Amy na healthy competition ang nangyayari ngayon sa tapatan ng mga noontime program sa telebisyon at ang tunay na winner dito ay ang sambayanang Filipino.

Matindi ang bakbakan ngayon ng tatlong noontime program sa Pilipinas – ang “It’s Showtime” ng ABS-CBN at GTV, “Eat Bulaga” ng GMA 7 at ang bagong show nina Tito, Vic & Joey sa TV5.

“‘Yung industriya natin sa television is back. Hindi ba lahat may trabaho, mapaharap ng camera, likod ng camera, utility, lahat may trabaho and it’s good for everybody,” chika ni Amy sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” sa GMA 7.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 🅰🅼🆈 🅿🅴🆁🅴🆉 🅲🅰🆂🆃🅸🅻🅻🅾 (@amypcastillo)


“At nakakabata ang ‘Showtime,’ yes!” sabi pa ng TV host na tinagurian din noon bilang “Queen of Noontime Shows” dahil naging bahagi siya ng halos lahat ng programa sa tanghali ng ABS-CBN.

Baka Bet Mo: Karla humingi ng payo kay Tyang Amy bilang bagong host ng ‘Face 2 Face’; umaming nagiging ‘dinosaur’ kapag binabastos ang mga anak

Ilan nga sa mga ito ay ang “Sa Linggo nAPO Sila” at “Magandang Tanghali Bayan.”

Hirit pa niya, “Iba ang vibe sa iyo. Iba ‘yung kapag nakikita mo ‘yung energy ng madlang people, masaya siya, eh!

“So nakakalimutan mo ang problema mo when you do a noontime show, hindi ba, nang panandalian lang naman pero after nu’n you have to face ‘yung mga daily things na dapat mong harapin sa buhay mo.

“Pero what I love about ‘Showtime’ kapag kasama ko sila I can be myself. With the madlang people I can dance, I can sing kahit minsan mali-mali na ako at pinagtitiwalaan nila ako it’s still me so okay lang,” dagdag pa ni Tyang Amy.

Naalala rin niya ang mga guesting niya sa “Eat Bulaga” noong nasa Kapamilya Network pa ito, “Nag-guest din ako sa kanila dati for a time, I guess noong nasa ABS-CBN din sila noon.”

At ngayon nga ay napapanood na rin ang “It’s Showtime” sa GTV channel na pag-aari ng GMA Network.

Throwback photo ni Amy Perez bentang-benta sa netizens, Agot Isidro nag-react: Buti tumubo pa yung mga kilay natin, ‘no!?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mariel may nakakalokang greeting kay Tyang Amy; John ibinandera ang pagmamahal kay misis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending