Maris pinagbawalang i-mention ang ‘Incognito’ sa ‘It’s Showtime’, fans dumepensa

PHOTO: Instagram/@marisestellar
MAY paalala ang staff ng noontime show na “It’s Showtime” sa aktres na si Maris Racal nang mag-guest ito sa programa.
Hindi niya kasi pwedeng banggitin ang seryeng “Incognito” kung saan isa siya sa bida bilang si Gab Rivera.
Nakunan ng netizen ang naka-paskil sa harap ng stage na ang nakalagay ay, “NO MENTION OF INCOGNITO. Thank you.”
Baka Bet Mo: EXCLUSIVE: Kamustahan sa likod ng ‘Incognito’, paano ba napili ang mga bida?

PHOTO: Screengrab from TikTok/@pookiepay
Maraming nagtaka dahil isa sa dahilan kung bakit nag-guest si Maris sa nasabing noontime show ng ABS-CBN ay para magpasalamat sa mga nanonood ng “Incognito” dahil number one ito sa Netflix simula ‘nung umere at natalo rin nito ang katapat na programa ng GMA Network na “Batang Riles” sa ratings game, base sa AGB Nielsen Phils Nutam People Homes ratings.
Ang “It’s Showtime” ay umeere rin sa GMA tuwing tanghali dahil nag-renew sila for another year at dahil dito ay maraming pumuri sa dalawang network dahil sa collaboration nila.
Kaya sinabi dati ni GMA Chairman of the Board of Directors (now), Executive Vice President at Chief Financial Officer, Mr. Felipe Gozon na “TV war is finally over” ay hindi totoo kasi nga bakit binawalan si Maris?
Nabanggit naman sa amin na may kasunduan ang magkabilang panig na bagama’t umeere ang Showtime sa GMA ay hindi puwedeng i-promote ng Kapamilya artists ang programa nila na may katapat na programa ng Kapuso artists tulad nga ng “Batang Riles” at “Lolong.”
Komento ng netizen na nag-post ay hindi pa tapos ang TV war sa pagitan ng ABS-CBN at GMA kahit pa may collaboration sila.
Narito ang ilan sa mga komento na nabasa namin tungkol sa isyung ito:
“Kasama yan sa napagkasundua sa kontrata. No TV promotion sa GMA ang mga shows ng ABS CBN.”
“Part ng contact nila yan. kailangan ipo-promote lng nila ‘ung palabas ng GMA . hindi sila pwde mag promote ng palabas sa ibang station.”
“Wala naman ng TV war talaga. Kasi tulad nyan nasa na ang Its Showtime mga collaboration shows na din sa pagitan ng ABS at GMA kaya lang ‘wag kalimutan ng mga fans na business yan. Ibig sabihin since sa GMA pinapalabas ang Its Showtime, lahat lang ng shows sa GMA ang pwedeng i-promote. Kasi diba bakit ka naman magpopromote ng shows ng ibang channel sa sarili mong istasyon.”
“WAR ng ABS CBN at GMA yung over. Incognito is napapanood sa TV5 which is kalaban pa rin ng GMA kaya di pwede i-mention or i-promote. Pwede magmention ang showtime ng ABS CBN shows basta hindi napapanood sa TV5.”
“Mas ok pa din to have your own franchise ABS-CBN.”
“Kahit walang promotion sa GMA, no.1 INCOGNITO!.”
“GANYAN NA GANYN DIN NMN SA LINLANG NUON NI KIM CHIU DI NILA MA PROMOTE SA SHOWTIME.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.