Alden Richards sa mga baguhang artista: 'Wag po kayong maging choosy kung wala pa po kayong napapatunayan' | Bandera

Alden Richards sa mga baguhang artista: ‘Wag po kayong maging choosy kung wala pa po kayong napapatunayan’

Ervin Santiago - July 25, 2023 - 07:33 AM

Alden Richards sa mga baguhang artista: 'Wag po kayong maging choosy kung wala pa po kayong napapatunayan'

Alden Richards

SI Alden Richards ang isa sa mga patunay na nabibiyayaan ang mga nagsusumikap, nagtitiyaga at hindi sumusuko sa mga pagsubok ng buhay para lang matupad ang mga pangarap.

Mula sa ibaba, ginawa ng Asia’s Multimedia Star ang lahat para makamit ang tagumpay at magkaroon ng magandang buhay ang sarili at ang pinakamamahal niyang pamilya.

Ayon kay Alden, naniniwala siya na kapag may paghihirap at pagsubok, may kakambal din itong sarap at kaginhawahan na kailangang pag-ingatan dahil pwede pa rin itong bawiin kapag pinabayaan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Siyempre, sa journey naman po ng buhay, hindi naman lahat nagiging masarap ang journey. Lagi yan. In every good there’s always a bad and in every bad there’s always good. It’s a cycle, a continuing journey,” pagbabahagi ni Alden.

Nais din daw niyang ipakita sa mga bagong henerasyon ng mga kabataang artista na hindi talaga madali ang buhay sa showbiz. Hindi raw ito basta-basta lang na trabaho na pwedeng laru-laruin.

“Gusto kong mapakita yung reyalidad ng showbiz na, ano bang nangyayari? Akala nila ngiti-ngiti lang, pogi lang, maganda lang,” paliwanag ng Pambansang Bae.

“But what is the business all about? How difficult it is to stay, how difficult it is to go? The people you trust in the industry, who are they? You really have to be careful,” sey pa ni Alden.

“As the term ‘showbiz’ implies, it is a business more than anything so, there is competition. Everyday may bago, merong makakagawa ng mas magandang project kaysa sa nagawa mo,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Pokwang sa mga epal na Marites: ‘Wala kayong alam! Kung isama ko kaya kayo sa demanda para maunawaan n’yo?’

Ngunit para kay Alden, hindi naman siya threatened sa mga baguhang artista dahil hindi naman siya nakikipag-compete sa mga kasamahan niya sa industriya.

“Ako, wala po akong pakialam. Gumagawa lang ako ng mga bagay na feeling ko po is fulfilling gawin. Never po ako naging insecure sa mga kasama ko dito sa industriya. It’s really a matter of how you handle it,” sabi pa ng award-winning Kapuso star.

Ito naman ang advice niya sa lahat ng mga nagsisimula pa lamang sa mundo ng showbiz, “Paghirapan n’yo yung gusto ninyong marating. Hindi yan ibibigay sa inyo.

“Hindi yan isusubo ng kahit sino. You always have to prove your worth everytime,” mariin pa niyang paalala.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Dagdag pa niyang payo, “Wag po kayong maging choosy kung wala pa po kayong napapatunayan. I don’t mean this in a negative way, I mean this in an inspirational kind of way na you have to prove yourself first bago ka mamili.

“Kasi ako, pinagdaanan ko yan before. First six, seven years of my career, kahit ano ginagawa ko po lahat without questions,” lahad pa niya.

Sa huli, ina-acknowledge ni Alden na maraming taong tumulong at gumabay sa kanya sa mundong ginagalawan niya ngayon at lahat ng nakamit niyang tagumpay ay utang din niya sa lahat ng nagtiwala at naniwala sa kanya.

“Hindi ko siya nakuha by myself alone. Hindi ko po kine-credit na ako lang po ito lahat. Itong success ko, collective effort of the people that loved me and supported me. I think isa yun sa mga reasons na nag-ground sa akin,” ang mensahe pa ng Kapuso actor at TV host.

Bagong pamatay na hugot ni Angelica: Hindi ako favorite child…ako po ‘yung maldita at kontrabida

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rabiya umaming ‘feeling lost’ nang lumaban sa Miss Universe, payo sa gustong maging beauty queen: ‘Don’t be scared to be yourself’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending