Rabiya umaming ‘feeling lost’ nang lumaban sa Miss Universe, payo sa gustong maging beauty queen: ‘Don’t be scared to be yourself’
“HUWAG kayong matakot na magpakatotoo!” Yan ang paalala at advice ng Kapuso actress at TV host na si Rabiya Mateo.
Bilang isa ring beauty queen, nagbahagi ng ilang tips ang dalaga sa lahat ng mga kababaihan na nangangarap ding magkaroon ng titulo at korona sa mundo ng beauty pageant.
Pagbabahagi ni Rabiya, halos mawala na raw ang kanyang identity nang sumabak at lumaban na siya sa Miss Universe competition kung saan umabot siya sa Final 21.
Tandang-tanda pa ng dalaga ang mga pagbabago at pag-a-adjust na ginawa niya sa kagustuhang manalo sa naturang international pageant.
View this post on Instagram
Sa isang interview, nahingan siya ng mensahe para sa lahat ng nangangarap na maging beauty queen at maging representative ng Pilipinas sa iba’t ibang international pageants.
“Ang dami kong gustong sabihin pero ‘yung pinakapuso talaga of my advice is that don’t be scared to be yourself,” sey ni Rabiya sa isang panayam.
“Because I remember a lot of things about myself because I thought du’n ako mananalo, na I thought kapag hindi ko ‘to ginawa, hindi ako mananalo,” chika pa niya tungkol sa matinding pressure na naramdaman niya habang lumalaban sa Miss Universe.
Kinoronahan si Rabiya bilang Miss Universe Philippines 2020 na siya ngang naging bet ng bansa sa Miss Universe 2020.
Pag-amin pa ng Kapuso star, “I ended up feeling so lost and you know having regrets in my head.
“So in every decision that you make, make sure that’s your decision, not the decision of the people around you,” paalala pa niya sa mga aspiring beauty queen.
Dagdag pa niya, “Simple things lang ‘yun pero at the end of the day, kapag sinunod mo kung ano ‘yung nasa puso mo, whatever the result is, manalo ka o matalo, you’re happy because that’s you.”
Pero kahit na marami ang kumukumbinsi sa kanya na sumali uli sa iba pang pageant, mukhang wala nang balak si Rabiya dahil mas gusto niyang mag-focus na lang sa kanyang showbiz career.
Payo ni Maxene Magalona sa mga girls: Huwag na huwag kayong maghahabol sa mga lalaki!
Bagong pamatay na hugot ni Angelica: Hindi ako favorite child…ako po ‘yung maldita at kontrabida
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.