CDN Digital Archives | Bandera

CDN Digital Archives | Bandera

Covid patient nag-suicide sa ospital

NASAWI ang lalaking pasyente ng Covid-19 makaraang tumalon mula sa bintana sa ikatlong palapag ng Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) sa Cebu City kaninang umaga. Dead on the spot ang biktima, 48, at residente ng Tres de Abril st., Brgy. Labangon, Cebu City, dahil sa mga tinamong sugat sa ulo at katawan. Ayon sa […]

57 kinasuhan sa iregularidad sa SAP distribution

KINASUHAN ng pulisya ang 57 indibidwal, kabilang ang mga opisyal ng barangay, na pinaboran umano ang mga kapamilya at kaibigan sa pamimigay ng ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP). Ani Maj. Ronald Allan Tolosa, deputy chief ng Criminal Investigation and Detection Group sa Central Visayas (CIDG-7), 19 iba pa ang iniimbestigahan sa kaparehong krimen. […]

Tulak arestado sa bisperas ng birthday

INARESTO ang 23-anyos na babae na nakuhanan ng P2.3 milyong halaga ng shabu sa buy bust operation sa Cebu City kahapon, bisperas ng kanyang kaarawan. Kinilala ang birthday girl na si Ma. Joe-Ann Cabornay ng Sitio Santo Niño, Brgy. Guadalupe, Cebu City, na nasakote sa Sitio Bliss, Brgy. Labangon alas-5:45 ng hapon. Ayon kay Maj. […]

Manyak na pari wanted

PINAGHAHANAP sa bansa ang pari na taga-Spain na inakusahang nang-abuso ng mga menor de edad sa kanilang bansa. Kamakailan ay humingi ng tulong sa mga obispong Pilipino ang isang diplomat mula sa Vatican makaraan itong makatanggap ng impormasyon na nagtatago sa Pilipinas ang pari. Ayon kay Archbishop Bernardito Auza, envoy ni Pope Francis sa Spain […]

Caretaker kinatay sa P1,200 utang

SINAKSAK sa leeg ang apartment caretaker ng kanyang kapitbahay nang tumanggi siyang magbayad sa P1,200 utang niya rito sa Guadalupe, Cebu City kaninang madaling araw. Wala nang buhay si Randy Aguilar, 41, ng B. Rodriguez Extension, nang matagpuan ng mga residente sa likod ng convenience store sa lugar pasado alas-5 ng umaga. Agad namang dinakip […]

Dagdag kaso vs beauty queen, BF na nag-swimming kahit may ECQ

SASAMPAHAN ng karagdagang reklamo ang beauty queen na si  Maria Gigante at ang kanyang Spanish boyfriend na Javier Filosa Castro na nahuli noong Linggo na nagsu-swimming sa beach sa Moalboal, Cebu habang umiiral Ang enhanced community quarantine (ECQ). Nakadetine sina Gigante, 26, at Castro, 35, sa isolation center sa Moalboal. Kinasuhan ang dalawa ng paglabag […]

Di pinayagang lumabas, lalaki kinatay si inay

NAHAHARAP sa kasong parricide ang 25-anyos na lalaki na pinatay sa saksak ang kanyang ina na pinagbawalan siyang lumabas ng bahay dahil sa enhanced community quarantine sa Brgy. Mambaling, Cebu City kahapon. Nadakip si Johnrey Bacsal nang tangkain niyang takasan ang mga tanod na nagbabantay sa kanilang lugar sa Sitio Alaska. Ani Capt. Francis Renz […]

2-anyos nasa listahan ng SAP

NAGULAT ang mga magulang ng dalawang-taong-gulang na bata nang malaman na benepisyaryo ng Special Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Services (DSWD) ang kanilang anak. Hindi naman kasama sa listahan ang mag-asawa. Ayon kay Darcy Ablong, nagsumite sila ng kopya ng SAP form sa barangay ilang linggo na ang nakararaan sa pag-asang […]

Nagbebenta ng overpriced na itlog, malalagot

PINAGPAPALIWANAG ng lokal na pamahalaan ng Cebu City ang 15 vendor na nagbebenta ng overpriced na itlog at gulay. Sinabi ng City Legal Office (CLO) na ipatatawag nila ang mga nasabing vendor upang sagutin ang alegasyon. Ang mga vendor ay nagtitinda sa mga barangay ng Capitol, Talamban, Pardo, at Quiot. “The Market Operations Division enforcers […]

Lalaki pumila sa ayuda, tumirik sa daan, nasawi

HEAT stroke ang hinihinalang sanhi ng pagkamatay ng lalaki na natumba sa arawan habang kumukuha ng ayuda sa ilalim ng social amelioration program ng pamahalaan sa Dumanjug, Cebu kahapon, ayon sa pulisya. Ayon sa pulisya, nakitang nakahandusay sa kalsada sa Brgy. Lawaan ang biktimang si Lolito Ferrer, 56, kaya itinakbo ito sa ospital. Hindi naman […]

4 dayuhan na naka-swimwear rumampa sa kalye, dinampot

KINASUHAN ng disobedience ang apat na dayuhan na nahuling walang face mask habang pakalat-kalat sa Brgy. Poblacion sa Carcar City, Cebu  kahapon. Wala rin umanong quarantine passes ang apat, na nakasuot ng damit na pang-beach, ani Cpl. Argie Noel Espinoza, desk officer ng Carcar City Police Station. “The woman in the group was only wearing […]

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending