Lalaki pumila sa ayuda, tumirik sa daan, nasawi | Bandera

Lalaki pumila sa ayuda, tumirik sa daan, nasawi

|May 02,2020
facebook
share this

Lalaki pumila sa ayuda, tumirik sa daan, nasawi

- May 02, 2020 - 05:27 PM

HEAT stroke ang hinihinalang sanhi ng pagkamatay ng lalaki na natumba sa arawan habang kumukuha ng ayuda sa ilalim ng social amelioration program ng pamahalaan sa Dumanjug, Cebu kahapon, ayon sa pulisya.

Ayon sa pulisya, nakitang nakahandusay sa kalsada sa Brgy. Lawaan ang biktimang si Lolito Ferrer, 56, kaya itinakbo ito sa ospital. Hindi naman naisalba ang buhay ng biktima ng mga manggagamot.

Napag-alaman na pauwi si Ferrer mula sa pagpila para sa cash aid sa poblasyon nang matumba ito.

Uuwi lamang muna ang biktima para kumain dahil wala pa umano ang tagabigay ng ayuda at babalik uli sa pagpila pagkatapos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending