outbrain

Caretaker kinatay sa P1,200 utang

May 23,2020
share this

Caretaker kinatay sa P1,200 utang

May 23,2020
share this

SINAKSAK sa leeg ang apartment caretaker ng kanyang kapitbahay nang tumanggi siyang magbayad sa P1,200 utang niya rito sa Guadalupe, Cebu City kaninang madaling araw.

Wala nang buhay si Randy Aguilar, 41, ng B. Rodriguez Extension, nang matagpuan ng mga residente sa likod ng convenience store sa lugar pasado alas-5 ng umaga.

Agad namang dinakip si Jecery Misa Moreno, 35, makaraang makilala mula sa CCTV footage ng pangyayari, ani Capt. Janelito Marquez, hepe ng Guadalupe Police.

Ayon sa ulat, kinumpronta ni Moreno si Aguilar ukol sa P1,200 na inutang ng huli noong Marso.

Dahil wala pa umanong pera ay tumangging magbayad ang biktima. Nagalit ang suspek, bumunot ng patalim at tinarakan sa leeg ang kapitbahay.

Tumakas ang suspek pero agad ding nahuli sa kanyang bahay sa Sitio Riverside. Nahaharap siya sa kasong murder.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending