Chito sa pagkakaaresto kay Neri: Wala siyang kinuhang pera
NAGSALITA na ang lead vocalist ng Parokya Ni Edgar na si Chito Miranda hinggil sa pagkakaaresto ng kanyang asawa na si Neri Miranda.
Nitong Miyerkules, November 27, nag-post ang singer ng kanyang pahayag hinggil sa pinagdaraanan nila ng kanyang pamilya.
“Praying na ma-sort out na ang lahat ng ito…kawawa naman yung asawa ko[emojis],” panimula ni Chito.
Giit niya, mabuting tao ang kanyang asawa at wala itong ginawang panloloko o panlalamang sa ibang tao.
Baka Bet Mo: SPD kinumpirmang may inarestong ‘Alyas Neri’, P1.7-M ang piyansa
View this post on Instagram
Sabi pa ni Chito, “Never nanloko si Neri, at never sya nanlamang sa kapwa. Never siyang kumuha or nanghingi ng pera kahit kanino man.
“Alam ng lahat yan. Tulong lang sya ng tulong hangga’t kaya nya. Minsan kahit di na nakakabuti sa kanya.”
Kadalasan nga raw ay naaabuso na ang asawa ni Chito pero hinahayaan na lamang niya ito basta alam niya sa sariling wala siyang ginagawang masama at ipinapasa-Diyos na lamang ang nangyari.
Giit pa niya, walang kasalanan ang asawa at isa lang siyang endorser. Ginamit lamang ang kanyang mukha para makalikom ng investors.
Lahad ni Chito, “Tulad ngayon, endorser lang sya tapos ginamit yung face nya to get investors. Kinasuhan sya ng mga nabiktima.
Tapos last week, bigla na lang syang inaresto for the same case kahit hindi pa sya binigyan ng notice na may bagong criminal complaint pala laban sa kanya, and di nya na-defend yung sarili nya.”
Ani Chito, wala silang natanggap na kahiy na anong dokumento tungkol sa criminal complaint laban sa kanyang asawa.
Inamin rin niya na may mga naging kaso rin noon ang asawa dahil nga nasangkot ito sa insidente dahil sa pagiging endorser nito ngunit na-dismiss rin ang mga ‘yon.
“Yung mga dati, nareceive namin nya, at nag comply sya, (alam naman ng lahat na madali kami mahanap sa Alfonso) Anyway, dinampot na lang sya bigla. (Nadismiss na yung mga similar na kaso sa ibang lugar, and we’re praying na sana ma-dismiss na din ito.)
Pinangalan rin ni Chito ang taong nakatanggap umano ng mga pera na may-ari ng Dermacare, si Chanda Atienza.
Ibinahagi rin nito sa kanyang post ang sulat ni Chanda para kay Neri.
Pahabol ni Chito, “Wala siyang kinuhang pera sa ibang tao, lahat ng pera nila na kay Chanda, ang may ari ng Dermacare. Sobrang bait po ni Neri…as in sooobra. Eto yung babaeng kinulong ninyo without bail, habang nakalaya pa yung mga tunay na may kasalanan.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.