Di pinayagang lumabas, lalaki kinatay si inay | Bandera

Di pinayagang lumabas, lalaki kinatay si inay

|May 08,2020
facebook
share this

Di pinayagang lumabas, lalaki kinatay si inay

- May 08, 2020 - 03:50 PM

NAHAHARAP sa kasong parricide ang 25-anyos na lalaki na pinatay sa saksak ang kanyang ina na pinagbawalan siyang lumabas ng bahay dahil sa enhanced community quarantine sa Brgy. Mambaling, Cebu City kahapon.

Nadakip si Johnrey Bacsal nang tangkain niyang takasan ang mga tanod na nagbabantay sa kanilang lugar sa Sitio Alaska.

Ani Capt. Francis Renz Talosig, hepe ng Mambaling Police Station, natagpuan ng mga tanod ang duguang bangkay ng biktima na sin

Anelita Andoque, na nagtamo ng saksak sa leeg.

Bago ang pagpatay ay narinig na nagsasagutan ang mag-ina dahil sa kagustuhan ni Bacsal na lumabas ng bahay pero hindi pinayagan ng ina.

“This may have been the motive of the crime but we are still conducting further investigation to find out the exact motive,” ani Talosig.

Tinitingnan din ng pulisya ang ulat na nawala sa katinuan ang pag-iisip ni Bacsal matapos ma-depress nang hindi makahanap ng trabaho bilang seaman. –CDN

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending