IPINAALALA ni Cebu City Police Office chief Col. Josefino Ligan na bawal pa ring uminom ng alak sa kalsada kahit pa niluwagan na ang pinaiiral na liquor ban sa siyudad. Ani Ligan, roronda ang kanyang nga tauhan para masigurong walang mag-iinuman sa labas. “The prohibition of the selling [of liquor] in the previous E.O. was […]
ISANG nurse na galing sa trabaho ang hinarang ng kanyang mga kapitbahay at hindi pinayagang makauwi. Nakunan ng video ang komprontasyon noong Abril 23 sa pagitan ng mga volunteer na nagbabantay sa pasukan ng Sitio Callejon sa Labangon, Cebu City, at sa hindi-kinilalang nurse. Tinanong umano ng nurse kung ano ang problema sabay sabi na […]
HINDI na nakapalag ang lalaki na nakunan ng siyam na sachet ng shabu makaraang mahuli sa checkpoint sa Talisay City kahapon. Sinabi ng suspek na si Tomas Basalo, 55, na nanggaling sa Unconditional Cash Transfer ng pamahalaan ang ipinambili niya ng droga. Pero sinabi ni Maj. Gerard Ace Pelare, hepe ng Talisay City Police Station, […]
UMAKYAT na sa 207 ang kaso ng COVID-19 sa Cebu City Jail makaraang magpositibo sa sakit ang 63 katao sa kulungan kahapon. Hindi naman sinabi ni Mayor Edgar Labella kung ang mga bagong nagkasakit ay inmates o jail officers. Aniya, nagtutulungan na ang Cebu City Health Department at ang Bureau of Jail Management and Penology […]
IMBES na “magpakain” sa pagkabagot ay sa sayaw idinadaan ng mga pasyente na naka-quarantine sa Brgy. Luz sa Cebu City ang kanilang maghapon. Ngayong araw ay nagkalat sa social media ang video ng mga nagsu-Zumba sa Barrio Luz National High School. Ang mga kasali sa video ay mga residente ng Sitio Zapatera na naka-quarantine matapos […]
INANUNSYO ni Cebu City Mayor Edgardo Labella na maaaring lumawig pa ang enhanced community quarantine dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang na nagpopositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Sa Abril 30 nakatakdang matapos ang ECQ, pero palalawigin ito ng dalawang linggo. At kung hindi pa sapat, ie-extend ito hanggang Mayo 30. Ayon sa alkalde, […]
NAHAHARAP sa patong-patong na kaso ang lima katao na nakuhanan ng baril at shabu habang nag-iinuman sa Mandaue, Cebu kaninang madaling araw. Nasakote ang limang suspek sa Brgy. Pagsabungan base sa tip ng kapitbahay na nakita ang grupo na umiinom kahit may liquor ban at enhanced community quarantine. Kinilala ang lima na sina Gerald Barte, […]
NASAWI sa COVID-19 ang 41-taong-gulang na inmate ng Cebu City Jail. Ani Mayor Edgar Labella, nahirapang huminga ang inmate, residente ng Brgy. Mambaling, noong Sabado kaya itinakbo Ito sa Vicente Sotto Memorial Medical Center. Namatay ang inmate kahapon, kasabay ng paglabas ng resulta na positibo siya sa coronavirus. Dagdag ni Labella, sinimulan na ang pagsusuri […]
ILANG tauhan ng treasurer’s office ng Mandaue City, Cebu, na namigay ng ayuda sa mga senior citizen sa mga barangay ng Casuntingan at Cambaro kamakailan, ang sasailalim sa home quarantine matapos mapag-alaman na may ilang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa dalawang barangay. Ayon sa tanggapan, isasailalim din sa swab test bukas ang mga kawani […]
ASAHAN na ang pagdami ng kaso ng Covid-19 sa mga susunod na araw sa Cebu City dahil sa isinasagawang mass testing. Ani City Health Officer Daisy Villa, nakapagtala ng 22 bagong kaso ngayong araw, isang araw lamang makaraang simulan ang mass testing sa siyudad. Sa kasalukuyan ay nasa 53 na ang kaso sa Cebu simula […]
BALIK-kulungan ang dalawa sa pitong preso na tumakas mula sa Cebu Provincial Police Office alas-11 ng gabi Martes. Ayon kay Col. Roderick Mariano, CPPO director, naglalakad palayo ng presinto sa Brgy. Sudlon ang pito nang maispatan ng mga pulis. Nasakote ang dalawa subalit nakatakas ang lima. Tinutugis na ang mga natitirang pugante, ani Mariano. Nahaharap […]