COVID-19 positive sa Cebu City jail nadagdagan; Mandaue jail, 1 kaso
UMAKYAT na sa 207 ang kaso ng COVID-19 sa Cebu City Jail makaraang magpositibo sa sakit ang 63 katao sa kulungan kahapon.
Hindi naman sinabi ni Mayor Edgar Labella kung ang mga bagong nagkasakit ay inmates o jail officers.
Aniya, nagtutulungan na ang Cebu City Health Department at ang Bureau of Jail Management and Penology upang mapigilan ang pagdami pa ng tinatamaan ng sakit.
Bago ito, nagtalaga ang city jail ng isang gusali sa compound upang paglagyan ng mga pasyente.
Samantala, naitala kahapon ang unang kaso ng nasabing sakit sa Mandaue City Jail.
Ginagamot na ang 24-anyos na pasyente sa Vicente Sotto Memorial Medical Center.
Ayon sa Department of Health-Region 7 nakararanas ng dyspnea at edema ang pasyente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.