NAHAHARAP sa patong-patong na kaso ang lima katao na nakuhanan ng baril at shabu habang nag-iinuman sa Mandaue, Cebu kaninang madaling araw.
Nasakote ang limang suspek sa Brgy. Pagsabungan base sa tip ng kapitbahay na nakita ang grupo na umiinom kahit may liquor ban at enhanced community quarantine.
Kinilala ang lima na sina Gerald Barte, Alfloyd Magno, Kirk Jed Gelloangan, Gerald Lerona, at Alfie Magno.
Nakunan din si Barte ng kalibre-.38 revolver at dalawang sachet ng shabu habang anim na sachet ng shabu ang nakuha kina Lerona at Magno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.