HINDI na nakapalag ang lalaki na nakunan ng siyam na sachet ng shabu makaraang mahuli sa checkpoint sa Talisay City kahapon.
Sinabi ng suspek na si Tomas Basalo, 55, na nanggaling sa Unconditional Cash Transfer ng pamahalaan ang ipinambili niya ng droga.
Pero sinabi ni Maj. Gerard Ace Pelare, hepe ng Talisay City Police Station, na nagsisinungaling si Basalo, residente ng Bgy. Cansojong.
Ayon kay Pelare, sinabi ng Department of Social Welfare and Development in Central Visayas (DSWD-7) na hindi kasama si Basalo sa listahan ng UCT beneficiaries.
Kaya ngayon ay inaalam na nila kung saan nanggaling ang droga.
Noong Martes ay nadakip si Edgardo Flores Jr., empleyado ng Cebu City Hall, dahil sa bitbit na anim na sachet ng shabu sa boundary ng Cebu at Talisay sa Cebu South Coastal Road.
“These drug personalities are desperate. They continue to carry drugs even if they are well aware that they could get caught. Still, they take their chances,” ani Pelare.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.